Chapter 26

16 4 0
                                    

Truth Behind.

"Sus gasgas na yan." Sabi ko. "Paghihintay? Pagmamahal ng totoo? Luma na yan." Natatawa kong sabi.

Hinampas niya ako. "Seryoso siya dun, Dax." Sabi niya.

"Oo na, seryoso na kung seryoso." Sambit ko. 

"Bakit ba problema ka sa desisyon ko? Parang ikaw yung nagmamahal, eh."

Nag-init ang mukha ko pero di ko alam. "Ano bang pinagsasabe mo?" Palusot ko.

Nagbuntong hininga siya. "Ayaw mo talaga kay Pau?" Kulit ko ulit.
"Ayaw." Deretso niyang sabi.


Tumahimik nalang at pumasok kami sa room. Binaba ko ang bag ko ang kumuha ng mga libro sa locker.

"Rean!" Tawag ni Zay. Agad akong napatigin sa kanila. Sweet nila, ah.

Tignan ko naman si Pau halatang nagseselos sa nakikita niya. Pumunta na ako sa upuan ko at naupo.

Nakipagkwentohan muna sa classmate ko.

💜

"May tanong ako."

"Hm?"

"Ba't ka nagalit kay Pau kanina?" Tanong ko.

Kaninang lunch kanina. Sinigawan ni Rean si Pau. Lahat kami nagulat sa sinabi niya. Sabi niya nagbabago daw ang ugali niya.

"Iba na kasi ugali niya pag nagsasama kami ni Zay." sagot niya.

"Paanong nagbabago?" tanong ko.

"Mga kilos at mga tingin niya." sagot niya ulit.

"Selos." sambit ko. Tumango siya. Hindi naman talaga maiiwasan ang selos.

"Pabayaan mo nalang."

"Gusto ko ngang ipatigil sa kanya ang mga raramdaman ko." sabi niya. Medyo nagulat ako.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Dahil gustong saktan ni Zay si Pau." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sasaktan niya? Over acting naman yun. Over protective wala namang kayo. Tahimik lang ako. Ngayon ay gusto kong ipatigil na ang nararamdaman ni Pau para kay Rean. Masama ang kutob ko na may mangyayareng masama.

"B-bakit?" yan nalang ang lumabas sa bibig ko. Bakit ako ang kinakabahan para kay Pau?

"Ewan, pinipigilan ko lang siya para walang masaktan." sagot niya.

Hindi na ako naka-sagot pa.

"Hi Guys!" bungad ni Pau. Napa-tigin ako sakanya. Walang nagsalita sa amin ni Rean.

"Guys?" ulit niya.

"Hi!" sagot ko.

"Nag-kita na kayo ni Eric?" tanong ni Rean. Tumango naman si Pau.

"Tara." yaya ko.

Nagsimula kaming maglakad. Tumabi naman ako kay Pau.

"Pau." mahinang sabi ko.

"Hmm?"

"Uhm. About dun sa sinabing kong ipaglaban mo pa. Wag mo nang gawin." sambit ko.

Napatigil siya sa paglalakad. Kaya tumigil din kami.

"Bakit naman?" seryosong tanong niya. Kinakabahan ako ngayon ko lang siyang nakitang seryoso.

"Dahil may planong saktan ka ni Zay." diterso kong sabi. Kailangan niyang malaman to para maka-iwas siya sa mga gulo o anoman.

"Ano naman." nagulat ako sa sinabi niya. Ibang Pau 'tong kausap ko ngayon.

"Hindi ka ba nag-aalala, ha?! Baka gawin nila yun. Ikaw pa ang masasaktan!" medyo napataas ang boses ko na ikinagulat nilang lahat. "Si Rean na nagsabe na wala kang pag-asa pa! Naghihintay ka lang sa wala nagpapakatanga ka lang!" di ko na mapigilan ang mga sinasabe ko. "Kaya itigil mo na."

"Tama si Dax, Pau." singkit ni Rean.

"Alam mo. Bakit lagi ikaw ang nagdedesisyon sa buhay ko, ha?!"  Naglakad siya palayo.

In A Relationship (Single #2) [Completed]Where stories live. Discover now