MVW # 1

111K 1.4K 159
                                    

Author's Note: This Story is Different from the FIRST BOOK :) Kung yung una puro katatawanan. Ito siguro Seyoso masyado :) Thank you ulit sa sumusuporta nito. :) Sorry for the Delayed Update :) May ginawa kasi ako kagabi :)

And.. Kung gusto niyo maging FRIEND si Polly. Click niyo yung External Link or ito :

https://www.facebook.com/pollyanna.garcia.7 Minsan ako OP, or si Ninnie :)

----------------

MVW ## 1

<Polly's POV>

"Nandiyan na ba yung mga Papers na kailangan ko?" Muli kong nilipat sa kabilang tenga ko yung Cellphone. "Ha? Akala ko naibigay na kay Eden yun? Anong gagawin natin ngayon?" Sinuot ko yung sapatos ko habang kausap ko yung Secretary ko. "Okay sige. Siguraduhin niyo lang. Bye."

Muli akong humarap sa salamin at naglagay ng kaunting make-up. At saka patakbong pumunta sa kama upang kunin ang bag at papers na kailangan sa Office namin.

Nagtratrabaho ako bilang Managing Editor sa isang Magazine Company. Sinasala ko ang lahat ng pwedeng ilagay sa Mag kung saan ako nakaassign bago namin iprint ang issue every month.

Ngayon alam ko na kung ano yung feeling ni Editor Joyce noong panahon na Writer ako. Nagagahol ako sa oras lalo na pagmalapit na ang susunod na issue at wala pa silang naipapasa na pwedeng icontribute sa Magazine.

"Chill!" Tawag ko sa anak ko habang nagsusuot ng Hikaw. "Are you ready?"

Hindi ito sumagot. Marahil ay nagbibihis pa ito. Hinahayaan ko siyang gumawa ng sarili niya dahil may nabasa ako na sa mga age ni Chill ay gusto nila maging Initiative. Oh, Chill is my 6 year old daughter.

Oo, anak ko siya. Kanino? Sa 'Kanya'. Ah, Nevermind. Hindi ko naman ipagkakait na malaman niya kung sino ang totong Papa niya. Pero sa tamang panahon. Hindi ngayon.. Huwag muna ngayon..

"Chill?" Ulit ko pero wala pa din sumagot kaya nagpasya akong puntahan siya sa kwarto niya.

"Chill?" Kumatok ako. "Let's eat Breakfast, Anak." Pero hindi ito sumagot kaya agad akong pumasok sa kwarto niya.

Pero nagulantang ang mundo ko ng makita ko ang mukha niya.

"Anak!" Tumakbo ako papunta sa kanya at lumuhod para mapantayan siya. Nakatayo ito sa harap ng salamin habang hawak ang Lipstick, na hindi ko alam kung saan niya nakuha. "What happened to you?"

"Make up! Like You, Mama! Para beautiful tayo."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa ginawa niya. Puro pula ang mukha nito. Mula sa mata hanggang sa pisngi, papuntang labi na binulugan niya lang para kunwari may kulay siya.

"Mama, beautiful na ako diba?" Ngumiti ito at napangiti ako ng makita ko na pati ngipin niya may kulay pula.

Muli ko siyang tinitigan. Hindi talaga, mapagkakailang anak 'niya 'si Chill. Habang nakatitig ako sa kanya, naaalala ko kung paano 'siya' tumingin sa akin, yung mga ngiti 'niya'.. Haay. Ang lakas talaga ng dugo 'niya'.

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon