MVW # 6

82.2K 1.2K 182
                                    

MINT XERXES now on Facebook :') Secret ang GENDER niya. Kaya nakakakilig siya :) Hehehe! Add him up! :) MONDAY Night ulit ang update :) Click the external Link or Add him!

https://www.facebook.com/MntXrxs?fref=ts

--------

MVW ## 6

<Polly's POV>

Lintik naman na elevator ng Mall na ito. Sira pa kung kailan kailangan kong makabalik agad sa pinagiwanan ko kay Chill.

Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Bakit ba iniwan ko yung susi sa Pet Shop. Eh ang petshop pa naman dito ay nasa pinakamataas na floor kaya nagmadali akong umakyat.

Haay. Bumaba ako sa 1st Floor gamit ang hagdanan para makarating agad sa Ground Floor kung nasaan ang Fountain. Doon ko kasi iniwanan si Chill.

Pababa pa lang ako ng mahagip ng mata ko ang matangkad na lalaking marahil ay kaibigan din niya.

Bakit ba lagi kaming pinagkrukrus ng landas ni Mint? Hindi na lang ba pwedeng magkita kami sa tamang panahon sa tamang lugar?

Nakita ko itong tumingin sa likod nito saka ngumiti. Tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya.

Si Chill. May hawak na itong tatlong balloons na may iba't ibang figure at isang bag ng trolli.

Hindi kaya.. nagkita sila? Nagusap sila?

Napahawak ako sa hagdanan. Dumating yung araw na kinatatakutan ko. Nasabi kaya ni Chill na ako ang Mama niya at wala ang totoong Papa niya? Kilala ko si Chill, madaldal ito pagdating sa akin.

Muli akong napatingin sa kanya. Kay Mint na papalayo ng papalayo sa paningin ko.

Ano kayang naramdaman niya? May kakaiba ba?

Nang alam kong wala na siya sa paligid umalis ako sa pwesto ko at agad na pumunta sa pwesto ni Chill.

Nakita kong ngumangata na ito ng Trolli niya at nakalagay sa gilid nito ang tatlong balloon katabi ng binili kong pagong para sa kanya.

Nang makita ako nito ay agad itong kumaway at ngumiti.

"Mama!"

Ngumiti ako at agad umupo sa tabi niya.

"Mama, look at this balloons and candies!" Tuwang tuwa sabi niya sa akin. "Birthday gift po sa akin nung nakilala ko kanina. Ang bait-bait niya Mama."

"T-talaga?" Tumikhim ako. Pinipigilan kong umiyak. Naaawa ako sa kanya. "A-anong sabi mo?"

"Sabi ko po, Thank You." Binibigyan nito ng Trolli yung pagong niya kaso hindi naman kinakain. "Mama, alam mo ba yung name niya, yung dapat po na ipapangalan ko kay Squeeky?" Tumingin ito sa akin. "Si Sir Mint po. Ang galing diba po, Mama? Tapos Mama, parehas kami ng mata, kaya lagi kong tinitingnan yung eyes niya." Umarangkada nanaman ang pagiging madaldal nito. "May kasama po siya, Zero po ata, nagpicture po kaming dalawa, tapos sabi niya po magkamukha kaming dalawa. Tapos Mama, binigyan niya ako ng Gift, pagkatapos ko po magthank you, nikiss ko siya then hug kagaya po nung ginagawa ko kay Tito Edrick and Daddy Terrence kapag binibigyan po nila ako ng Gift."

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon