Sorry for the Wait Guys! Anyway, may PLOT na ito kaya sa maga suggestions :) May mga tumatama :) Galing!
-----------
MVW ## 4
<Mint's POV>
Badtrip na Badtrip akong lumabas ng Mall at naglakad sa Parking Lot para puntahan yung kotse ko. Badtrip ako sa Mama ko. Badtrip ako dahil ang dami kong naiwan na trabaho. Isa pang nagpapainit ng ulo ko ang pagpili ni Canneide sa susutin niyang lahat naman maganda sa kanya.
Sobrang nakakaasar lang na makitang hindi naman dapat pang paghandaan kung anong meron mamaya. And besides, maganda na siya. Masyadong insecure, sa point na nakakabanas na.
Isa pa itong hinayupak na business na ito. Lalo na si Mama. Lahat sinunod ko siya. Mula sa pagpili ng course na gusto niya hanggang sa trabaho. Na sana gusto ko pinaghirapapan ko.
Wala naman talaga akong balak sundin kung anong gusto niya nung pumunta ako ng Europe. Nadala siguro ako ng Emosyon at Galit sa sinabi at pinakita niya sa akin noon..
"Naniniwala ka na siguro sa akin ngayon, Mint?" Nanginginig ang mga kamay ko habang isa-isa kong tinitingnan ang mga pictures na ibinato sa akin ng Mama ko. "
"P-paanong..."
"Umaasa ka sa wala." Sigaw ng Mama ko. "Ginagamit ka lang niya. Katulad din siya ng mga babaeng dumaan sayo."
Tuwing naaalala ko yung mga pictures na iyon. Parang bumabangon ulit yung galit ko. Pinagkatiwalaan ko siya. Ilang linggo pa lang nakalipas may kahalikan na siya sa restaurant, at after 1 year makikita mong may hawak na baby yung taong mahal mo katabi ng pinsan mo.
Ganoon ba talaga ako kabilis kalimutan? Habang ako, kahit galit ako sa kanya iniisip ko pa din siya.
"Mint!" Huminto ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. "Mint!"
"What now, Canneide?!" Humarap ako sa kanya. "Pwede ba! Huwag ka muna makisabay ngayon."
"Don't shout at me!" ganting sigaw nito.
Naisuklay ko yung kamay ko sa buhok ko. Ayokong maibuntong din sa kanya ang galit ko.
"Bakit ba biglang nagiba ang mood mo, Mint?"
"Mainit ang ulo ko, Canneide." Huminga ako ng malalim. "Please. Huwag ka munang makisama."
"Tungkol ba iyan kay Mama?" Hula nito. Mama din ang tawag nito sa Mama ko simula nung engagement party namin. "Narinig ko kasi siya last time.
May business trip siya next week at ikaw ang balak niyang isama."
Tumahimik ako. Alam niya na kapag tumahimik ako, ipagpatuloy niya ang dapat na sinasabi niya.
"And.." Pagpatuloy niya. "Diba next week may Appointment ka sa Hospital para sa OJT mo?"
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...