MVW # 8

75.5K 1.1K 66
                                    

May INTERNET na kami :) Hayy.. Kaso nabura nanaman yung dapat na CHAPTER 8 :( Bakit kasi biglang NALOBAT phone ka?

Sino pala pupunta sa February 8? Taas kamay! *Taas* KITAKITS!

----------

MVW ## 8

<Polly's POV>

"Okay ba ang lahat?"

"Yes. Ms. President. Lahat naman nasa ayos." sabi ni Delta. Lumapit ulit ito sa akin at bumulong. "Takot lang nila sayo no? Matatanda na sila, tapos magpapasaway pa. Diba?"

"Sira." Siniko ko ito.

Muli kong tiningnan mula sa gilid ng stage ang mga pangyayari sa Open Grounds. May Space sa gitna kung saan nageenjoy ang mga tao, kakasayaw sa hinire na DJ ng ibang members ng Student Council Members.

Huminga ako ng malalim. Naalala ko nanaman yung mga nangyari noong nakaraang araw.

Hindi pwedeng hindi kami magkita ni Mint. Alumni Homecoming na ito. Magkikita at magkikita kami. Nabasa ko pa na bibigyan siya ng parangal dahil sa mga nakamit niya nitong mga nakaraang taon.

Unfortunately, sumabak siya sa pagiging isang businessman at isa na siya sa CEO ng XRXBuilders. Hawak niya ang Chains of Malls sa loob at labas ng Bansa. Samantalang ang Mama niya ay sa Hotels & Restaurants.

Tingnan mo nga naman, talagang umasenso ang buhay niya habang nung mga taon na dapat nasa tabi siya ni Chill, hindi niya magawa. Tapos siya pa may karapatang magalit? Grabe lang ha? Hiyang hiya ako sa kanya.

"Kukuha lang ako ng Wine, Ms. President." Lumayo sa akin si Delta. "Ikukuha ba kita?"

"Nah. Baka pag naamoy ako ni Nanay, hindi niya ako ipakiss kay Chill." Ngumiti ako. "Hindi ata pwede yun."

"Sabagay, mahirap nga naman hindi mahalikan ng anak." Tumango na lang ito. "Sige, baka maubusan ako." Nagkunwaring bumulong ito. "Swapang pa naman yung mga lalaki pagdating sa Alak." Saka kami sabay na nagtawanan bago siya bumaba ng Stage.

Nag-stay lang ako sa gilid ng Stage. Nakakatuwa kasing pagmasdan ang Crowds.

Nakasuot sila ng dating Uniform namin, ibig sabihin walang pabonggahan ng mga damit at kung ano-ano pang sapatos. Feeling ko pumasok ako sa Time Machine ni Doraemon at binalikan ang isang event sa buhay ko kung saan nalaman ng buong school na ako, bilang President ng Student Council President at SooHee, isang sikat na BS Writer ay iisa.

Napangiti ako. At sa lahat ng mga kakaibang pangyayari sa buhay ko.. Kasama ko si Mint.

"The sun goes down

The stars come out
And all that counts
Is here and now
My universe will never be the same

I'm glad you came"

Biglang nagsigawan ang Crowds. Nakita kong lumapit ang isang prof sa gitna ng stage at sumigaw.

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon