MVW # 17
<Polly's POV>
"Kasi Mama, diba kapag Mama and Papa magkasama sa Room. And kaya ko na po ang magisa, kasi po diba may sarili naman akong room sa bahay? Big Girl na po ako."
Nakaupo ako sa Bowl ng CR habang nagiisip. Gusto ko sanang tumanggi sa suggestion ni Chill pero tumalikod na ito at mukhang antok na antok na talaga.
Dito na kami nakaabot sa Hotel, pagkatapos namin magPicnic. Nastranded kasi kami dahil sa baha at lakas ng ulan. Ayoko sanang abutin kami ng gabi kasama siya kaso mukhang pinagkakaloob ng tadhana na talagang pagsamahin kaming tatlo.
Ngayon imbis na matulog kami sa kotse at traffic. Pinagpasyahan namin na matulog sa Hotel nila at bukas na lamang ng umaga umuwi.
Kaso, tutol ang kalooban ko. Syempre sa HOTEL... Ibig sabihin, may kama, alam niyo na, tapos malamig ang panahon, may kumot syempre, tapos mawawala yung kumot kasi baka malikot matulog si Mint, alam niyo na. Kinakabahan ako.
Kaya ngayon, mag15 minutes na ako sa CR. Dahil alam kong paglabas ko naghihintay nanaman si Mint sa labas.
"Polly?" sabay katok sa pinto ng CR. Muntik pa akong magtuloy-tuloy sa bowl sa gulat ko. "Bakit ang tagal mo?"
"A-ahm.. A-ano. A-ah!" Tumayo ako at nagflush. "T-tapos na!" Huminga muna ako ng malalim tyaka binuksan yung pintuan. "Tapos na!"
Bumungad sa akin ang nakawhite na shorts at Tshirts na si Mint. Parang gusto ko pa siyang amuyin dahil mukhang fresh na fresh siya ako naman balot na balot ng Pajama na nirequest ko sa kanya.
"Tulog na tayo." Tumango lang ako. Kaya tumalikod siya. Sinundan ko siya ng tingin doon ko lang napansin na may comforter sa gilid, katabi ng kama at nakalatag. Doon siya humiga.
Nagtataka tuloy akong naglakad papuntang kama. Habang nakatingin sa kanya.
"Diyan ka matutulog?"
"Oo." Nilagay nito ang braso niya sa noo. "Saan mo ba gusto?"
"Sa tabi ko." Bigla ko nanamang naitakip yung mga kamay ko sa bibig. Susmaryosep ulit! Saan nanaman nangaling iyon! Ano ba?!
Ngumiti lang ito ng kakaiba. Umiwas agad ako ng tingin saka agad na humiga sa kama. Sa pinakagilid salungat kung saan siya nakahiga, malaki masyado kasi yung kama.
"Malamig kasi yung lapag!"
"May comforter naman." sagot nito. Hindi ko siya nakikita dahil bukod sa malayo siya nakatalikod pa ako.
"Ayan ka nanaman. Tapos mamaya, magrereklamo kang malamig."
"Polly kung gusto mo akong katabi, sabihim mo lang." Tapos naramdaman kong lumundo yung kama napalingon ako dito. Basta na lang ito humiga. Tapos kinuha yung comforter at sinaklob sa aming dalawa. Ngayon, nasa ilalim kaming dalawa. Medyo madilim pero kita pa naman namin yung isa't isa.
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romansa(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...
