MVW # 14

78.2K 1K 128
                                    

MVW # 14

<Polly's POV>

"ANONG SAGOT MO?!" Napapikit ako sa sigaw ni Kuya Edrick.

Nasa coffee shop kami ni Khristel pero wala siya ngayon dito. Si Kuya Edrick ang kaharap ko kasama ng Asawa niya-slash-kaibigan kong si Colyn.

"Ano.. P-Pagiisipan ko.."

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko!" Napapikit ako ng paluin ni Kuya ang Desk dahilan kaya napatingin sa kanya ang ibang customer. "Pagiisipan mo?! Ganun din iyon! Oo ang ibig sabihin nun! Pollyanna Garcia nasisiraan ka na ba ng ulo!"

Ayan na, Ayan na si Kuya Edrick. Kinumpleto nanaman ang pangalan ko.

"Honey.." Hinawakan ni Colyn si Kuya sa siko. "Relax."

"Sa tingin mo makakapagrelax pa ako ganitong nasisiraan ng bait itong kapatid ko?!" Napapikit ako ng muling hampasin ni Kuya ang desk. "Nagsasalita ako bilang Kuya mo. Walang Mint Xerxes na makakapasok sa buhay natin! Naiintindihan mo ba?!"

"OA na iyan, Hon." Kitang kita kong nagsalubong ang mga kilay ni Edrick nang sumabat nanaman si Colyn. "Coffee?"

"Colyn Santos-Garcia!" sigaw nanaman ni Kuya.

"Uuy, pinagsisigawan niyang asawa ko na siya para walang tumitingin-tingin sa akin."

Tiningnan ko si Kuya. Nakita kong iiling-iling na lang ito parang tanda ng pagsuko. Si Colyn naman ay nakangiti ng tagumpay.

"Kung hindi lang kita mahal, matagal na kitang tinapon papuntang pluto."

"Ah. Ah. Ah. Ah.." Nakaturo pa ang hintuturo nito kay Kuya. "Sorry ka, Mahal mo ko.. Tyaka wag mo kong mahagis papuntang pluto, walang magaalaga ng mga anak natin."

"May sinabi ba ako? Wala na diba?"

"Good." Tatango-tango pa ito. "Kasi pag may reklamo ka pa, icoconfiscate ko ang Blue Erection Fluid ni Hawk."

"Tss. Walang ganyanan!"

Napapailing na lang din ako sa kanila. Hindi ko talaga akalain na magtatagumpay itong si Colyn sa panunuyo kay Kuya. Oo, tama. Si Colyn ang nanligaw. Allergic kasi itong si Kuya sa babae. Pero nagbago na simula ng minahal niya yung kaibigan ko.

Napangiti ako. Minsan nagbabago ang isang tao, lalo na kapag nagmahal. Pero in a Good or Bad Way.

Si Mint kaya? Nagbago kaya siya. Pero halata naman sa kanyang nagmatured na siya. Ang layo nanamin sa pagiging HighSchool Student dati. May kanya-kanya na rin kaming career.

Kailangan ko bang pagbigyan ulit si Mint ng Another Chance? Wala kaming kasalanan sa isa't isa. Lahat pakana ng Nanay niya.

Meron pa rin palang ganung magulang. Yung kagaya ng mga Villains sa Telenovela. Gusto sila ang masusunod. Hindi applicable ang katagang 'Mother knows best' sa kanila.

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon