Para sa nakasagot ng tanong ko nung isang gabi hindi ko alam yung acct mo dito sa Wattpad. Hehehe! Dedicated to Ms. Reena Espinoza. :D
---------
MVW # 23
<Mint's POV>
"Thank You." Pasasalamat ko sa Bartender ng ibigay nito sa akin ang alak na inorder ko.
Naglagay ako sa Shot Glass at inisang lagok ko iyon.
Kahit gaano katapang iyong alak na inorder ko, hindi pa rin niya kayang kalimutan ang ginawang sakit sa akin ni Polly.
Pollyanna..
Inisang lagok ko nanaman yung alak. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit niya ginawa lahat ng ito? Ah, oo nga pala. To get even. Sinaktan ko siya dati, sinaktan niya ako ngayon. Pero sinabi ko naman na hindi ko alam lahat ng nangyari dati, Ah oo nga pala, hindi siya naniwala. Tss. Mukha akong tanga. sinasagot ang mga tanong na mismong ako, kaya kong sagutin.
Gusto ka mang magalit sa kanya. Di ko magawa. Ayoko. Kasi yung galit na ito yung dahilan kung bakit inabot kami ng 6years. Ayokong maghintay pa ulit ng Anim na Taon para makuha ulit siya.
Pero paano kung siya mismo ang naggive-up diba? Lahat na ginawa ko sa kanya para ipaglaban siya. Nagmakaawa ako sa kanya, pero hindi pa din siya naniwala sa akin. Kung tutuusin nga mas masakit ngayon. Sobrang sakit ngayon dahil mismong narinig ko sa kanya na ginamit niya lang ako, para maramdaman ko yung sakit na naranasan niya dati. Pero ang nakakatawa, hindi pa din ako nagalit. Wala akong naramdaman na galit mula sa kanya. At the end of the day marerealize ko, mahal ko pa din siya. Kaya nga halos mabaliw ako ng makita ko siyang tumatakbo palayo sa akin.
Napangiti ako. Sa pangalawang pagkakataon, nawala nanaman sa akin yung taong mahal ko. Ang sakit.
Inisang lagok ko nanaman yung alak na inilagay ko sa shot glass.
Ngayong araw dapat ang Bachelor's Party ko na mismong si Zero ang gumawa. Oo, itinuloy ko ang kasal ko kay Canneide. At bukas na ang kasal ko.
Magiging masaya siya kapag pinakasalan ko si Canneide. Kahit sa hiling niya lang na iyon maging masaya siya. Gusto ko lagi siyang masaya. Siguro ito yung tama, pagkatapos nito, dapat na rin akong magmove on sa nakaraan namin at dapat na magbagong buhay kapiling yung taong handang tumulong sa akin.
"Alone?" Narinig kong may tumabi sa akin.
Napatingin ako sa bagong dating. Nakita na nga niyang magisa ako tatanungin pa niya.
"Dr. Xerxes." Inumang nito ang kanang kamay niya sa akin. " I am Mr. Hawk Fernandez. In case, na hindi mo ako maalala."
Tiningnan ko yung kamay niya saka ako tumingin sa mga mata niya. Mukha kasi siyang hindi mapagkakatiwalaan kung paano niya kong titigan. Tyaka siya si Mr. Fernandez? Siya yung isang Business Partner ko na laging nagpapafax lang ng mga dapat kong pirmahan. Either secretary niya or isa pa niyang partner ang lagi kong kausap nitong nakaraang buwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/11360863-288-k798481.jpg)
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...