MVW # 9

78.2K 1.1K 93
                                    

Hi. Please play the Song :) Nasa Right Side. Para mas Feel.

-----------

MVW ## 9

<Polly's POV>

"This is what you call.. 'The Ball'." sigaw ni Ms. Xena. Isa sa mga coordinator ng Reunion nila. "Love na love ko kasi yung batch niyo, kahit parang 6years pa lang kayo simula ng grumaduate. Hayaan niyo reunion ulit!" Biglang nagtawanan ang mga tao. "Anyway, kagaya nga nung sinasabi ko kanina may ginawa akong parang thrill sa buhay ito yung.. 'The Ball'."

Hindi ko alam ang tungkol sa 'The Ball' na sinasabi ni Maam Xena. Ang alam ko dapat alam ko lahat ng mga mangyayari sa Reunion dahil ako ang President. Pero bakit ngayon.. bakit may nasingit ata na hindi ko alam.

"Hindi ito alam ni Ms. President." Malungkot na tumingin ito sa akin. "So sorry. Pero kung malalaman mo ito, wala ng thrill sa Reunion natin, okay?" Ngumiti na lang ako para ireassure na okay lang lahat. Tumingin ulit ito sa crowd. "Nagtaka siguro kayo nung may BlindFolds na binibigay sa inyo pagpasok pa lang sa gate. Dahil magagamit natin ngayon."

"Those BlindFolds has a secret code na makikita lang kapag inilawan lamang ng 10 penlight na nasa aming mga professors. Unique ang bawat code. Pair lang iyan. At kung sino ang Pair na iyon ay siyang magkapartner sa The Ball. Ang twist? NakablindFolds ang magpartner at bawal magsalita." Pumalakpak pa ito. "Isn't it Amazing?! Haay.. Sana yung mga single diyan, makapartner ng single din dahil definitely... Love will be in the air.. Floating.. " Nagtawanan ang mga tao. "Simulan na natin! Ilabas ang BlindFolds at siguraduhing walang makikita students. Kung sino mandadaya. Mababaog! Go!"

"Hindi ako baog!" sigaw ni Colyn na inilalabas ang blindfold. "Ikaw, Khristel? Baog ka ba?"

"Sa pagkakaalam ko naman hindi." Masungit na sabi ni Khristel. "Ikaw?" Balik na tanong ni Khristel sa akin. "Baog ka ba?"

"Baliw ka ba?" Nangaasar na sinagot ko sa siya.

Tumawa si Colyn bago humarap kay Khristel. "Alam mo bang hindi namin macontact si Hawk?"

"B-bakit mo s-sa akin s-sinasabi iyan!! H-hindi ko nga akalain na n-nageexist iyan sa m-mundo!" Nagulat ako ng sobrang lumakas ang sigaw nito. At hindi makatingin ng diretso. "Huwag niyo ngang sirain ang gabi ko!"

"Relax naman diyan, Khris." Wala sa sariling sabi ko. "Bakit parang at ease ka nung pinagusapan si Hawk."

"Siguro nasa iyo si Hawk no?" Tanong ni Colyn. "Kasi kararating lang nun galing America! Tapos pagdating ng pinas hindi macontact----"

"BAKIT BA AKO PINAGKAKASALANAN NIYO EH HINDI KO NGA ALAM NA BUMALIK YUN NG PINAS!" Malakas na sigaw nito. Siguro ay naguluhan din ang ibang tao kaya napatingin sila kay Khristel. "Kainis. Hmp."

Nagkatinginan lang kami ni Colyn. Kahit kailan hindi ko nakita na ganito si Khristel. Basta ang alam ko. Ang tingin ni Khristel kay Hawk. Homo Sapiens. ET. Dinosaurs. TaongGagamba. In short, hindi na nageexist sa mundo. Pero bakit ngayon ata lumalala?

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon