MVW # 5

79K 1.3K 183
                                    

RN na ako. I'm so HAPPY! Parang gusto ko lumipad :) Oww! Yung mga Msgs sa WALL ko pwede bukas ko na replyan? Please? Hilo na ako at inaantok pero nabasa ko lahat siya :) Burger kayo diyan! Latag ko na lang si MINT sa TABLE. PANDESAL na!

Oh update! Makahingi wagas :) Kakatype ko lang iyan! Sorry for the Errors!

---------------

MVW ## 5

<Mint's POV>

"Anong nangyari sayo?"

Inirapan ko si Zero na umupo sa harapan ko. May meeting kaming dalawa tungkol sa pinatatayo ulit na branch ng Mall na pagmamayari namin.

Pero parang wala ako sa Mood. Ang daming nangyari noong isang araw.

Ang Dinner Date na dapat ay pupuntahan namin ni Canneide kasama si Mama ay isang paghahanda para sa nalalapit naming kasal. Kailan? Next Month!

Halos wala akong alam sa pinaguusapan nilang dalawa ni Canneide hanggang sa nagwalk-out ako. Kung gusto nila. Sila na lang magpakasal dalawa. Tutal naman may plano na sila.

Pangalawa, si Polly. Nakakasigurado akong siya ang nakita ko sa Parking Lot noong araw na iyon. Kay agad kong ipinahanap ang nakita kong plate number sa Secretary ko.

Pangatlo, Noong gabi na umalis ako sa Dinner Date namin pumunta ako sa Address na ibinigay ng Secretary ko sa akin. Gusto kong makasigurado.

At totoo nga, si Polly nga ang mayari ng sasakyan, nakita ko siya sa Terrace ng bahay niya habang nakikipaghalikan kay Terrence na pinsan ko.

F*ck. Kung pwede ko lang sirain yung gate ng bahay nila sinira ko na. Pero nagdalawang isip ako dahil tama ang ginagawa nila. Magasawa sila. Hindi ako pwedeng kumontra sa nakita ko.

"Alam mo, huwag na muna tayong magusap tungkol sa business, Mint."

Tiningnan ko siya ng matalim. "So, sinayang mo yung oras ko para makipagkita sa walang kwentang Mall na ito?"

"So, walang kwenta ang Mall na inooperate mo?" Ngumiti ito.

Uminom ako ng kape. Gusto kong kumalma. Baka masapak ko yung lalaking nasa harap ko.

"Malas sa negosyo iyan, Pare." Sumandal ito. "Babae ba iyan?"

"None of your business." Naalala ko nanaman yung nasaksihan ko kagabi. "F*ck."

"Man, malala ka na." Uminom ito ng naorder niyang kape. "Dalawang beses na kitang nakitang ganyan. Noong Highschool at ngayon." Lumapit ito sa akin. "Iisang babae pa rin ba?"

Tiningnan ko ulit ito ng malalim. "Shut up, Zero."

"Woah. Chill lang, Pare. Di ka na mabiro." Tinaas-taas nito yung kilay nito. "So, tama ako iisang babae pa rin?"

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon