MVW # 3

81.4K 1.2K 99
                                    

Ang aga nang almusal ko! Hoho. GOODMORNING!

-------------------

MVW ## 3

<Mint's POV>

"Honey, mukhang mas magaanda itong Navy Blue sa akin?" Humarap ito sa akin habang hawak ang damit. "What do you think?"

"Kahit anong suutin mo maganda ka."

"Bola." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi. "Sukatin ko lang ito. Diyan ka lang."

Tumango na lang ako. Umalis na siya sa harapan ko at pumunta sa Dressing Room.

Sumandal naman ako sa upuan at niluwagan ang necktie ko. Nakailang palit na siya ng damit. Lahat naman bagay sa kanya. Bakit kailangan mamili pa siya ng ibang kulay?

Boy's golden rule #1: Huwag sumama kapag magmamall ang mga babae.

Ano bang nasa utak ko at sinamahan ko pa siyang magshopping after ng Lunch Date namin?

Isa pa sa kinaiinisan ko ay yung mga Sales Lady na kanina pa malagkit ang tingin sa akin. Hindi naman sa ayaw ko kaso nakakadistract na sila.

Nasa malalim akong pagiisip ng may tumawag sa Cellphone ko.

Agad kong sinagot iyon ng makita ko kung sino ang caller.

" 'Ma." Pumikit ako. Ang dami-dami niyang sinasabi tungkol sa mga business. "Hindi ako pwede next week. May OJT po ako sa Hospital. Hindi ba pwedeng ngayong week----" Huminga ako ng malalim. Gusto kong ibato yung phone ko pero wala ako sa office.

I Hate my mother. Pagginusto niya, ginusto niya. Yun ang ayaw ko.. Kailangan niyang makipagmeeting ako sa kliyente niya next week sa araw pa na magOOJT ako. Yun na nga lang yung panahon na makakaluwag ako sa schedule pero pati yun kinuha niya.

"Honey, bagay na ba?" Lumabas siya sa Dressing Room. "or yung Pink na lang-----"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Kahit anong isuot mong damit. Babagay sayo. Ngayon, pwede na ba tayong bumalik sa office? Ang dami kong naiwan na trabaho."

Nakatulala lang ito sa akin saka tumango. Umalis ako sa harapan niya at umalis sa Store na iyon. Ayokong madaanan din siya ng galit ko.

-----

<Polly's POV>

"Mama! Trolli please?"

"Akala ko ba, isa lang ang bibilhin natin?"

"Please?" Tyaka siya nagpuppy eyes.

Wala ito. Ang hirap humindi kapag nagPlease na ang bata sayo.

"Haay.." Ngumiti ako. "Isa lang, Chill."

"Yipee!" Kinuha nito ang isang plastick na Trolli. Niyakap niya pa yun at hinalikan. "I Love You, Mr. Trolli-Trolli."

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon