MVW # 25
<Polly's POV>
4:15 AM
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa Full Length Mirror sa harapan ko. Gusto kong makita ang sarili ko bago ko iwanan ang pagiging Pollyanna Garcia.
Ilang oras na lang kasi mula ngayon. Magiiba na ang huling pangalan ko.
Pollyanna Garcia- Legazpi.
Kasabay ng pagbabago ng pangalan ko ay ang pahlimot sa mga nakaraan. Lahat ng mga masasayang alaala at mga munting pangrap namin dalawa ni Mint.
Napatikom ako ng bibig dahil nakikita kong nagtutubig nanaman angmga mata ko.
Naalala ko kasi yung mga panahon na halos hindi ko pa alam na unti-unti na pala akong nagkakagusto sa kanya.
Mula sa Broom Set Room na hindi na namin napasukan dahil sa kung anong milagro ang nandoon.
Yung paghihintay ko sa kanya ng ulang oras sa Botanical Garden dati, kahit sinabi niyang hindi siya pupunta.
Yung aksidente na nangyari sa Sagada. yung tossed coin na inulit ko dahil labag sa kalooban ko ang Resulta; kapag tao ang lumabas magiging 'kami' at ibon 'walang kami', kaya lang lumabas ibon kaya pinaulit ko.
Yung pagyakap niya mula sa likuran ko.
Yung sinabi niyang mahal niya ako, hanggang sa nagpropose siya sa akin at babalik siya para pakasalan ako.
Nabuo si Chill, sisihan, sumbatan, nagkabalikan, nagkalayo, nawalan ng saysay.
LAHAT. Parang kahapon lang. Sariwa pa rin sa akin.
Mahal ko pa din sioya. Mahl na mahal ko siya at nasasaktan ako na ngayon araw din na ito, ibang mundo naman ang iikutan niya.
Siguro hanggang dito na lang kami. Tama. Hanggang dito na lang kami. Walang 'and they lived happily ever after' sa story namin.
Napangiti ako. Bakit parang pakiramdam koisa akong prinsesa?
Si Mint yung prinsipe. Tapos yung Mama ni Mint yung Dragon na nagbabantay sa Castle kung nasaan ako nakakulong. Para sa akin, si Terrence ang Castle.
Pinili kong manatili na lang sa loob kesa lumabas kasama ang prinsipe.
"Haay.." Huminga ako ng malalim ng maramdaman kong tumulo iyon. Pinunasan ko agad iyon.
ito naman ang gusto ko diba? Hindi dapat ako maging ganito. hindi din dapat maga ang mata ko sa oras kasal ko. Magpapsalamat nanaman ba ako sa mga make-ups na handang magtakip ng namumugtong mata at eyebags ko?
Tss. Dito naman ako magaling. Magpanggap na masaya kahit alam kong sa sarili ko sobra-sobra ang nararamdaman kong sakit.
Kahit gaano ko man itanggi sa sarili ko nna hindi dapat si MINT ang dapat na makasama ko habang buhay, may pagasa pa rin ako. Kaso sa mga oras ngayon, mukhangwala na.
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...