MVW # 22
<Polly's POV>
"Ang ganda, Ma'am. Siguro habaan natin yung ribbon sa likod ng Gown niyo."
Tiningnan ko yung sarili kung repleksyon sa salamin. Suot-suot ko yung Wedding Gown na ako mismo ang nagdesign.
Drinawing ko ito noong araw na sinagot ko si Mint ng Oo nung inalok niya ako ng kasal at pinangakong babalikan.
Napangiti ako. Ngayon, masusuot ko na yung Dream na Wedding Gown ko.
"Sana wedding day na."
Agad akong humarap sa nagsalita. Si Terrence. Napakagwapo niya sa suot niyang Puting Americana.
Suot ko nga ang Dream na Wedding Gown ko, hindi ko naman kapiling yung Dream Husband-to-be ko.
Umiwas na lang ako sa tingin ni Terrence at marahang humarap sa salamin.
"Iwan mo muna kami." Sabi ni Terrence doon sa designer. Mula sa sa salamin nakita ko itong pumunta sa likod ko.
"Ang ganda mo."
"Bola." Ngumiti ako. Pero halata sa akin na parang ang fake nung mga ngiti ko.
Isang linggo pagkatapos ng mga nangyari sa akin. Plinano namin na magpakasal agad ni Terrence. Ang gusto ko sa araw mismo ng kasal ni Mint ang araw ng kasal ko. Nagtanong si Terrence kung bakit parang nagmamadali ako, nagbiro na lang ako na hindi ako makapaghintay ng Honeymoon stage. Pero sa totoo lang, ginawa ko iyon para hindi makapunta si Mint sa mismong araw ng kasal ko.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" sabi ko. Humarap ako sa kanya. Kanina pa kasi siya titig na titig sa akin. "Huy." Tinapik ko yung balikat nito.
Ngumiti lang ito saka hinawakan yung kamay kong may suot ng singsing saka ni ya hinalikan iyon bago nakakamatay na tumingin sa akin.
"Tell me, I'm not dreaming." Hawak pa rin niya yung mga kamay ko. "Were preparing for our wedding right? Our Wedding. Please convice me, Future Mrs. Legazpi."
Parang hindi pa din ako nasanay. Future Mrs. Legazpi. Pollyanna Garcia-Legazpi. Kahit kailan hindi nasagi sa utak ko na balang araw magpapakasal ako sa kanya.
Kasi ang nasa utak ko, magiging Mrs. Pollyanna Garcia-Xerxes ako. Kahit naiirita akong tawagin na Mrs. Xerxes dahil dalawa kaming gagamit ng surname na iyan.. yun ay kung.. kung kami talaga ang magkakatulyan.
Pagkatapos ng mga pagtatangka sa mga buhay namin, wala na akong naramdaman na panganib. Bumalik sa mga trabaho ang mga natanggal gaya ng ipinangako niya. Parang bumalik lahat sa dati. Pero alam ko naman sa sarili ko na lahat, hindi na normal sa akin. Kagaya ngayon.
Nasa harapan ko ang 'dapat' na pakasalan ko.
Ngumiti ako kay Terrence. "You're not dreaming."
Ngumiti ito ng matamis bago ako iginaya sa harapan ng salamin. Nasa kanan ko siya. Tintingnan ko ang repleksyon niya sa salamin.
"I can't wait." Nakatingin ito sa akin mula sa salamin. "Next week na ang kasal natin. Alam kong kakaunti lang ang dadalo pero naeexcite ako. Iniimagine ko pa lang na maglalakad ka papunta sa akin suot ng gown na iyan. Ako naman kinakabahan habang naghihintay sayo. Parang.. parang Dream Come True."
Dream Come True. Para sa kanya. At simula sa araw na iyon, tinatapos ko na rin ang ugnayan sa aming dalawa.
Napailing ako ng marahan. Bakit ko ba siya iniisip ganitong ako naman ang dahilan kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon?
Panigurado, sinasabi niya lang na hindi siya galit. Pero galit talaga siya lalo na nung magkaawa siya sa akin.
".. Tapos ganito yung ayos natin habang nakaharap sa pari. Tapos magsasalita siya." Tumikhim ito. "Do you, Terrence Legazpi, take this woman, Pollyanna Garcia to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?." Humarap ito sa akin at pinakatitigan ako sa mata. "Tapos sasagot ako.." Nararamdaman ko na sa mga tingin niya sa akin. Sobrang mahal na mahal niya ako. Sayang, hindi ko pa kayang suklian yung pagmamahal na sinasabi niya. "Sasagot ako ng.. I Do." Ngumiti siya.
Mukhang excited na excited siya sa mga nangyayari. At ayokong sirain iyon.
"Ikaw naman ang tatanungin ng pari." Tumikhim ulit ito. "Do you Pollyanna Garcia, take this man Terrence Legazpi, to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and health, to love, honor and obey, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live?."
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...