MVW # 21

54.3K 773 105
                                    

Badtrip ako. Period. 

------------

MVW # 21

<Polly's POV>

"P-polly. Please. Huwag mo naman gawin ito."

Masakit. Masakit marinig na nagmamakaawa sa akin si Mint para lang bumalik ako sa kanya.

Masakit sabihin ang mga salitang ayaw ko naman talagang sabihin sa kanya. Alam ko. Alam kong madaming magagalit sa akin. Kasama na roon yung mga kaibigan kong willing mawalan ng trabaho para lang maging masaya ako.

Dalawang araw pagkatapos namin magusap ng Mama ni Mint, hindi ko alam kung sinadya, o nagkataon lang ang mga pangyayari. Naholdupp si Nanay habang pauwi siya galing sa pamamalengke. Kitang kita ko ang panginginig at takot sa mata niya habang ikinukwento niya na kamuntikan na siyang mamatay ng naglabas ng icepick yung holdupper.

Nagkataon rin bang kamuntikan ng masagasaan ang pamangkin kong si Joaquin paglabas niya ng school nila?

Nang malaman ko ang mga kwentong iyon, agad kong pinagisipan kung nagkataon lang ba ang lahat o sinadya.

Sobrang natakot ako. Ayokong madamay ang pamilya ko. At ayokong sumunod si Chill dito dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nangyari iyon.

 "P-polly. Kahit ano gagawin ko. A-alam mo naman iyan diba? M-mahal na mahal kita. S-sobra. A-alam ko n-naman na m-mahal mo ko. Please. P-please Polly. H-hindi ako galit. Hindi ako galit s-sayo. P-please.. Please.."

Napapikit ako. Sa bawat salitang masasakit na sinasabi ko kay Mint lagi kong itinatatak sa utak ko na Mahal ko siya. Lahat ng ito ginagawa ko para sa amin. Alam ko sobrang selfish ko pero.. pero.. ginagawa ko ito dahil pinili ko ang pamilya ko. Kaya grinab ko na itong opportunity na ito para lumayo na ng tuluyan sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Huminga ng malalim at ngumiti.

"Ang galing ko talaga, umarte. Mint Xerxes, halos magmakaawa sa akin? Tss." saka ko inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

I Love You Mint. I Love You Mint. I Love You Mint.

Pinigilan ko ang sarili ko na humarap papunta sa kanya, yakapin siya at sabihin na mahal na mahal ko siya. Kasi sa oras na sabihin ko iyon, alam kong kinabukasan may mangyayari na hindi ko inaasahan.

Tumakbo ako palayo sa kanya. Hindi ko alam kung papaano ko nakita ang gate dahil nanlalabo ang panigngin ko dahil nakikisama ang ulan at ang mga luha ko. Ayokong humarap kay Mint. Ayokong makita kung ano ang reaksyon niya sa mga masasakit na sinabi ko. Hindi siya galit. Ayaw niya magalit. Pero gusto kong magalit siya sa akin para layuan niya ako at hindi madamay ang pamilya ko.

Tingil ko ang pagtakbo at basta na lang umupo sa baitang ng hagdanan. Tumungo ako at doon ko ipinagpatuloy ang pagiyak.

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon