MVW # 27
<Mint's POV>
Hindi pa pala tapos, may isa pa.
Nakakainis lang isipin na sobrang ang dami ko pa lang pagdadaanan para lang makuha mo iyong mahal mo.
Dati, sabihin ko lang na gusto ko ng babae, nandiyan na agad sa harap mo.
Dati, hilingin ko lang na halikan ako, nandiyan na, higit pa sa halik ang makukuha mo.
Pero ngayon, sobrang ang hirap mo na talagang kuhanin yung gusto mo.
Nandiyan yung Fiance mo na akala mo pinagkakatiwalaan mo.
Nandiyan yung pinsan mong pakakasalan ang taong mahal mo.
Nandiyan yung Nanay mo na tutol sa pagmamahal niyo.
At higit sa lahat nandiyan yung Kuya ng mahal mo, handang ipaglaban ang kapatid na nasaktan ng dahil sa kapabayaan ko.
Ganito na ba talaga kahirap magmahal?
"Dr. Mint Xerxes."
Tumingin ako sa kanya. Nasa gilid kasi si Hawk na parang nanonood lang ng teleserye sa TV. Si Terrence naman ay kanina pa nakaalis dahil may kakausapin raw siya.
Kinabahan ako. Paano kung nung mga time na naguusap kami ng kapatid ni Polly ay siya na palang naghihintay ng dulo ng altar?
Badtrip. Pero alam ko may isang salita si Terrence. At nagtitiwala ako doon.
"Hindi ka ba natatakot na baka sa mga panahong ito, si Terrence na pala ang naghihintay sa dulo ng altar?"
"Hindi ako natatakot. May tiwala ako kay Terrence."
"Talaga?" Sinipa nito ang bato dahilan para malaglag ito sa malalim na bangin.
Mataas ang simbahan na pagdadausan ng kasal nila. Solemn. Mahangin at higit sa lahat, pwede kang magpakamatay kung gugustuhin mo. Nasa taas kasi ng bundok ang simbahan.
"Huwag kang magtiwala sa pinsan mo." Nagsmirked ito bago tumingin sa akin. "Sa nakalipas na anim na taon, nagbago siya. Alam mo iyan."
Naningkit ang mga mata ko. "Hindi ako maniniwala sayo."
"Ayusin mo iyang pananalita mo, baka nakakalimutan mo, kapatid ako ng babaeng gustong-gusto mo."
"Hindi ko siya gusto."
Biglang itong lumapit sa akin at kwinelyuhan ako. Hindi man lang ako umangat sa lupa dahil magkasingtangkad lang kaming dalawa.
Hindi ko hinahiwalayan ang mga titig niya. Galit siya.
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romantizm(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...