Thank you sa COMMENTS :) Sorry sa TYPO's! And salamat sa mga nagVOTE at nadramahan sa MVW 10 :) Hindi ako nakaattend ng PopFic :( May Interview po ako :) Sorry Simver and Tricia! Love you. :**
-------
MVW # 11
<Terrence's POV>
"Mukhang pagod si Polly ah."
Napakamot ako sa ulo ko ng ihatid ko si Polly sa bahay ng Magulang niya. Nakatulog siya sa sasakyan marahil sa pagod at kung ano-anong nararamdaman niya kaya inakyat ko siya sa kwarto niya. Nandoon din si Chill at binabantayan siya.
"M-medyo po! H-haha!" Ayokong sabihin sa kanila na may nangyari na kung anoman sa school. Mas gusto kong si Polly ang magsabi sa mga magulang niya kung anong mga nangyari.
"Magkape ka muna, iho." Sabi ng Tatay ni Polly. Nasa sala kami ng bahay nila. Medyo palagay na ako sa mga magulang niya dahil madalas ay nandito ako nung mga panahon na buntis si Polly.
"Salamat, Tito."
"Wala iyon." Umupo ito sa harapan ko. Nasa likod naman ng Tatay ni Polly ang Nanay niya. "Gusto mo, dito ka muna matulog!"
"Ay nakuu! Huwag na po." Uminom ako ng kape. "Talagang hinatid ko lang si Polly. Pagod na pagod talaga siya."
"Pero ngayon ko lang siya nakitang lupaypay." Nagaalalang sabi ng Nanay niya. Bago humarap sa akin. "May nangyari ba sa school kanina?"
"W-wala p-po. Talagang marami lang siyang ginawa."
"Ganoon ba? Oo nga pala. Maraming salamat sa paghatid kay Polly. Alalang-ala na kasi iyong si Chill kanina. Kaya nang marinig niyang may sasakyan na huminto sa harapan ng bahay. Bumangon agad."
"Hahaha! May sa aso po talaga si Chill." Tumawa naman ang tatay ni Polly sa sinabi ko. Siguro nakikiramdam si Chill. Naramdaman niyang may mga nangyari ngayong araw.
"Ay! Oo nga pala. Kamusta yung reunion niyo? Nakita niyo ba yung tatay ni Chill?"
"Honey. Huwag na natin pagusapan dito ang lalaking iyon. Tutal iniwan niya ang anak natin."
"Nagbabakasakali lang ako." Tumingin sa akin ang Nanay niya. "Nagkita ba sila?"
"Ahm.. puwede po bang si Polly na lang po ang magkwento sa inyo?" Nakita kong nalukot ang mga kilay nito. "May nangyari po kasi."
"Ah kaya.." Lumapit sa akin ang nanay ni Polly at hinawakan ang kamay. "Salamat, Terrence." Tinapik-tapik pa nito iyon. "Sana marealize ni Polly na nandyan ka naman sa tabi niya." Ngumiti ako. "Puntahan mo na siya sa taas, malamang si Chill ginising na iyon. Alam mo naman iyon anak mong iyon."
Tuwing sinasabi ni Tita, na anak ko si Chill, kakaiba ang nararamdaman ko. Masaya. Ang sarap pakinggan, sana totoong anak ko na lang si Chill. Para meron akong tinatawag na pamilya.
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...