MVW # 19
<Mint's POV>
"Nakita mo ba, Anak?"
"Here po."
Nakangiting tinanggap ko ang ibinigay sa akin ni Chill. Naka-kaha pa iyon at hindi ko alam na itinago pa pala niya ito.
Binuksan ko iyon. At parang natahimik ang puso ko ng makita ko ang singsing na ibinagay ko sa kanya dati. Itinago pa rin niya. Ibig sabihin, mahalaga pa rin ako sa kanya dati pa.
"Lagi po pinapakita sa akin ni Mama iyan." sabi ni Chill. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nasa sofa kami ng bahay nila. "Pati po yung necklace na may.. MLY." Nagsmile ito. "Sa inyo pala iyan galing, Papa."
"Talaga?" Isinara ko yung kaha at itinago sa loob ng coat ko. "Love na love talaga ako ng Mama mo."
Nagiggle ito. Kiniliti ko naman siya. Natutuwa lang talaga ako na masaya kaming pamilya. Pagkatapos ng mga nangyari 4days ago. Halos araw-araw nasa bahay ako nila Polly. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para maimbitahan siya magdinner ngayon. Yung kaming dalawa lang.
"Papa, hindi po ba bad kung kumuha ako ng gamit kay Mama ng walang paalam sa kanya?"
"Baby.." Ginulo ko ang buhok nito. "Masama iyon syempre. Pero paginutos ni Papa, hindi na masama iyon." Itinapat ko yung hintuturo ko sa labi ko. "Basta quiet ka lang, baby ha? Akong bahala sayo."
Ngumiti ito sabay yakap sa akin. "I Love You, Papa."
"'Love You Too, Baby."
"Kaso.. malungkot po ako." Bigla itong kumalas sa akin. "Miss na miss ko na po si Daddy Terrence ko." Nakatingin pa ito sa mga paa niya. "I tried calling him, pero ayaw po niya i-answer.." Dama na dama ko yung lungkot sa boses niya. "Is he mad at me, Papa?"
Inakbayan ko na lang ito. 2 weeks ang ibinigay na palugit ni Terrence kay Polly. Alam ko yung usapan nilang iyon. Pero hindi ko sinabing ilayo niya ang sarili niya kay Chill. Alam naman niya sigurong mahal na mahal siya nung bata. Bakit pati si Chill, hindi niya kamustahin?
"Baka busy si Daddy mo."
Umiling ito. "Kilala ko po si Daddy." Yumuko ito. "Kahit gaano pa po siya kabusy, nagbibigay po siya ng Time para sa akin. Minsan po paggising ko may Trolli na ako tapos may Letter pa niya." Tumingin ang malungkot na mata nito. "May bad po kaya akong ginawa, Papa?"
"Halika nga dito." Niyakap ko ito saka nirub ang likod niya. "Walang ginawang masama si Chill, okay?" Nilayo ko siya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahang pinisil. "Hayaan mo, kakausapin ko si Daddy Terrence mo. Para dumalaw dito. Gusto mo ba iyon?"
Kitang-kita ko na nagliwanag ang mga mukha niya. Lumaki ang mata nito at ngumiti. Siraulo talagang Terrence iyon. Dinadamay pati ang walang kamuwang-muwang na si Chill.
"Anong pinaguusapan niyong mag-ama?"
Parehas pa kaming napalingon ni Chill sa nagsalita at Kagaya ng reaction ni Chill kanina ng sinabi kong kakausapin ko ang Daddy Terrence niya, parang gusto ko pang ngumanga ng nakita ko ang stunning sa kagandahan na si Polly.
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Roman d'amour(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...
