Epilogue

83K 1.6K 310
                                        

EPILOUGE

Minsan may mga kailangan tayong I-GIVEUP para maging masaya sa isang tao.

Minsan kailangan mong maging SELFISH para makuha ang para sayo.

Minsan kailangan marunong kang MAGPATAWAD para makalaya ka mula sa pagkakakulong mo.

At minsan kailangan mong magSACRIFICE para makasama ang taong mahal mo.=

Minsan nga napapaisip ako.

Ano na nga bang nangyari sa kanila?

Naging masaya kaya sila? Naghiwalay? Nagkaroon ng maraming anak? Nagaway?

Maeexcite ka na lang, kasi ang inaakala mong Kwento ng buhay nila, hindi pa pala tapos..

May kasunod pa ba?

Wala na. Abusado ka na.

Siguro napabuntong hininga at nadismaya ng malaman mong wala na.

Pero nakakasigurado ako, na kahit tapos na ang kwento nila,

.....may mga taong naguumpisa na pala...

<Terrence's POV>

Hawak ko ang karatulang may pangalan niya. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Paano kung hindi siya pumayag? Pero nagusap na kami dati, hindi pwedeng hindi niya tuparin ang pangako namin.

1year and a half. Ganyan katagal inabot ng relasyon namin, na nabuo ng dahil sa sakit.

Matagal kaming nagadjust sa aming dalawa.

Minsan nga naggive up na kaming parehas pero pareho din kaming maguusap dalawa.

SPECIAL SOMEONE. Walang define na meaning. Iyan ang tingin namin sa isa't isa, pero kung ako ang tatanunging..

Mahal ko na siya.

Kung kailan handa na akong sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman ay siyang desisiyon niya na umalis ng bansa, eksakto sa araw ng 1year and half Anniversary namin.

Ewan ko kung ano ang nasa utak niya. Tanda ko pa ng sabihin niya ang mga salitang iyon.

"We need Space, Terrence. 6 Months, kailangan muna natin malayo sa isa't isa para malaman natin kung handa na tayo to take that next level. Kung makakapaghintay ka sa pagbabalik ko. Handa ako. Handa akong harapin yung pinagusapan nating pangako."

6Months. Pero anong nanyari?

Inabot siya ng 1year sa isang bansa at ngayon 3months na walang paramdaman, ni-Ho ni-Ha, wala.

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon