Nabura po yung una akong UPDATE. Wala kasing lumalabas sa akin kahit magedit. So retype ulit. Tss. Hassle. Thank you Adrian! Oh dedicated na nga sayo as THANK YOU!
MVW # 24
<Mint's POV>
Hindi ko alam kung anong nasa utak ng Terrence na ito at dinala ako sa venue kung saan sila ikakasal bukas. Pinagmamayabang ba niya na nakuha niya na si Polly? Tss..
Inilibot ko ang tingin sa buong simbahan. Nasa dulo kasi kami. Malaki, mukhang pinareserve nila ang simbahan na iyon para sa kasal nila. In 2weeks, inaasikaso nila lahat ito. No wonder, si Terrence ang may gawa nito. Matagal na niyang plinano ito. Kaya siguro ng umo-Oo si Polly, at sinabing magpapakasal sa mismong araw ng kasal namin. Handa na siya.
Dahil si Polly na lang talaga ang hinihintay.
Tiningnan ko siya habang hinahawakan ang upuan ng simbahan na iyon. Damn him.
"Inuubos mo ang oras ko, Terrence. May importante akong dapat na kausapin ngayon."
"Sino Mama mo?"
Bigla akong napatingin sa kanya. Nakasandal na ito sa upuan. May alam siya! May alam siya sa nangyayari!
"Mint. Alam mo bang magpapakasal si Polly sa akin dahil mahal niya ko?"
"That's not true." Siguradong sagot ko. Ewan ko, basta ang alam ko hindi totoo. Bahala na siya kung masaktan siya. Basta sasabihin ko iyong totoo.
"Yeah." Pagsangayon nito.Lalo akong naguluhan. Sumangayon siya na hindi siya mahal ni Polly?
"1week before our wedding, narinig ko ang usapan nila, Khristel at Colyn. Nasa labas lang ako ng kwarto, imposibleng hindi ko sila marinig dahil sa sigaw nila." Ngumiti ito ng malungkot. "Tama nga iyong hinala ko, magpapakasal siya, dahil kailangan. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Magpapakasal siya sa akin, pero alam ko, hindi siya magiging akin." Tumingin ito sa akin. Nakita ko sa mga mata niyang sobrang nasasaktan siya. "Ang sakit."
"Kung 1week mo pa alam, bakit ipinagpatuloy mo pa ito?"
Ngumiti nanaman ito. "Dahil ayokong may mangyari sa pamilya niya lalo na kay Chill."
Chill. My God, I really miss my daughter.
Simula kasi nung araw nirineject ni Polly ang alok kong kasal, hindi ko na siya nakita at nakausap man lang. Sobrang namimiss ko na talaga siya.
Pero anong pinagsasabi ni Terrence na ayaw niyang may mangyari sa pamilya ni Polly lalo na si Chill?
"I guess wala ka pa rin talagang alam, Mint." Yumuko ito at malungkot na ngumiti. Nararamdaman ko kasi yung sobrang kalungkutan niya, nakikita ko sa mata niya na sobrang mahal niya si Polly.
"Lahat ng mga nangyari dito, may kinalaman sa Mama mo."
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...