Ginanahan ako magUpdate dahilsa Special Delivery sa akin sa Krispy Kreme :) Saraaaaaaaap! Inubos ng pamilya ko. Isa lang na kain ko! Ang saya diba? Pagbukas ko ng Gate nagningning ang mga mata ng kasama ko sa bahay. Promise! :) Thank you kay Simver John Villasenor (Ang galing ko no? Yung second name xD) GoodDog! xD Nagsarili silang meetups ni Nicole. Panis! Nameet ko na siya! :D
Enjoy!
----------
MVW # 15
<Polly's POV>
"A-ahm.." Nagkamot ako ng makita ko si Mint na may hawak na dalawang plastic bag na Trolli. Si Terrence naman ay may hawak na isang bag na Trolli. "H-hindi ba m-masyadong marami iyan?"
Kitang kita kong nagtitigan silang dalawa. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pinagagagawa nila.
Simula nang umalis kami sa School. Kanina pa sila nagpapataasan. Pataasan kay Chill. Simula sa pagsakay at pagandahan ng Model na sasakyan. Kaya para walang away, nagTaxi kami ni Chill at magkita sa Mall.
Pero agad-agad. Pagkatapak namin sa Mall ay nagunahan yung dalawa sa pagbili ng Trolli para kay Chill. At sa nakikita ko. Kung hindi ko pipigilan baka maubos ang Trolli sa Mall.
"Ang mabuti pa. Dr. Xerxes. Isauli mo na iyang Trolli na binili mo para kay Chill. Ako na lang ang magbibigay sa kanya. And besides, nasanay na siyang ako ang nagbibigay."
"Alam mo. Engr. Legazpi. Kailangan kong punan kung ano ang mga pagkukulang ko sa anak ko. Kaya kung ako sayo, yung sa iyo na lang ang isauli mo. And besides, ako naman ang Papa niya." Ginaya nito ang Tono ng pananalita ni Terrence. Binigyan diin pa niya ang 'anak ko'.
Kitang kita ko kung paano naniningkit ang mga mata ni Terrence sabay taas ng dala niyang trolli Bag.
"Hindi naman niya magugustuhan ang Trolli kung hindi ng dahil sa akin." Binaba nito ang kamay at nagkibit-balikat. "Wala eh, ako ang kinilalang Ama. Paano ba iyan?"
"Ako naman ang Totoong Ama. Ikaw, kinilala ka lang."
"Ang tanong, naging Totoong Ama ka ba sa kanya?" Lumapit ito kay Mint. "Magpakatotoo ka muna. Hindi nadadaan sa candies ang lahat. Iyan lang ba ang kaya mo?"
Kitang kita ko yung mga kamao ni Mint na nangigil. Aawatin ko sana sila ng dumating si Chill.
"I got a penguin!" Tinaas nito ang maliit na stuff toy na alam kong nakuha niya sa Arcade. "Penguin!"
Halos muntik na akong matawa ng makita kong nagyakapan si Mint at Terrence. Yung yakap na panglalaki.
Napapikit ako. Panigurado lihim na nagsusumpaan sila sa isa't isa. Nakatingin kasi si Chill sa kanilang dalawa. Nakikita ko pang bubulong bulong si Mint.
"Humanda ka sa akin."
"Mamaya ka." sagot ni Terrence.
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...