MVW # 2

93.5K 1.2K 248
                                    

Author's Note: Ilang Chapters po ang MVW?

Dahil kadugtong na lang naman po ito Morethan 20 but less than 30 :)  Thank you sa Comments :) Ang dami naghahanap kay MINT :) Sige pakinggan natin ang side niya. :)

-----------------

MVW ## 2

<Mint's POV>

"Sir, may meeting po kayo with Mr. Avenida this afternoon para sa Project na bubuksan niyo this year sa Dagupan. And..." Tiningnan ko ang Secretary ko.

"What?"

"Nagpaschedule po ang Mama niyo and si Ms. Canneide ng Late Dinner."

"Hmm." Sumandal ako sa Swivel Chair at nagisip. Ano naman ang paguusapan naming tatlo. "Yun lang?"

"Yes, Sir."

"Okay." Binigay ko ang isang folder sa kanya. "Fax this paper to Mr. Fernandez. Kailangan niya iyan ngayon. Then dalan mo ko ng Coffee after niyan."

"Yes Sir." Nagpaalam na ito sa akin bago lumabas ng office ko.

Tiningnan ko ang gabundok na papel sa lamesa ko. Parang gusto kong sunugin lahat ng iyon para matapos na ang lahat ng trabaho ko.

Tumayo ako at pumunta sa bintana ng Office ko. Mula doon ay kitang kita ang buong City. Huminga ako ng malalim.

I need to refresh.

Pero tuwing naaalala ko ang trabahong iiwan ko ay parang ayaw ako paalisin sa Apat na Corner ng Office na ito.

Yung mga papel sa harapan ko. Pakiramdam ko araw-araw nanganganak. Kung hindi may meeting.. may kailangan pagaralan..

Bumalik ako sa upuan ko at nirest ang ulo ko. Hindi ito ang pinangarap ko. Hindi ito ang gusto ko.

Biglang nagring ang cellphone ko. Agad akong napangiti ng makita ko kung sino ang tumawag.

"Mrs. Zapanta." Bungad ko sa kanya.

"Doctor!" Masayang bati nito. "Doc, nanganak na ako."

"Talaga ho?" Napatayo ako. Si Mrs. Zapanta ang una kong naging pasyente pagbalik ko ng Europe 2months ago. Inirefer siya sa akin ng kakilala ko at ako na ang sumubaybay sa Third Half ng pregnancy niya.

"Kamusta ang lagay niyo?"

"Ang saya-saya ko, Doc. Pwede bang Mint na lang ang ipangalan ko sa anak ko?" Natawa ako sa sinabi nito. "Sige, Doc. Nagseselos na ang asawa ko. Salamat po,"

"Walang anuman po."

Napangiti ako ng binaba ko ang cellphone ko. Pinatong ko yung ulo ko sa head rest ng upuan ko.

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon