MVW # 20
<Mint's POV>
"Sabihin na lang natin na hindi ako magpapakasal sayo."
Hindi ko alam kung bakit para akong nanlambot sa mga sinabi niya. Parang may nawala sa akin. Parang ang dami kong gustong itanong sa kanya.
"P-polly." Tulalang sabi ko. Ngumiti ako. "N-nagbibiro ka nanaman. Seryoso nga ako. Hindi ako nagjojoke. Pakasalan mo ko." Hahawakan ko sana yung kamay niya pero parang nandidiri na inilayo niya lang ang kamay niya sa akin.
"Ano ba?!" Nakataas ang mga kilay nito. "Sinabi ng hindi kita pakakasalan."
"B-bakit?" Tinitigan ko siya. "Anong p-problema?" Medyo naguguluhan ako sa nangyayari.
"Hindi mo pa ba nagegets? Grabe naman, Mint. Akala ko ba matalino ka?" Namewang ito. Parang bigla siyang nagbago. "Ano ba? Magpapakabulag ka na lang ba talaga. Wake up, Dude."
"Naguguluhan ako, Polly." Sinubukan ko ulit siyang hawakan pero lumayo ulit siya.
"Don't touch me." Matalim na tiningnan nanaman niya ako. "Ha. Ang galing ko talaga." Isinuklay nito yung kamay niya sa buhok niya. "Ganito ba talaga ang nagagawa ng pagibig sayo? Nagpapakatanga? Wow. Just Wow." Tiningnan ako nito, taas baba. Saka tumingin sa paligid. "Look at you. Tingnan mo itong nasa paligid natin. Nagawa mo lahat ng ito ng dahil sa akin? Hahahaha! Grabe. Woo!" Humarap ulit ito sa akin. "You know what? Ayaw ko na sana mapunta sa ganito yung sitwasyon natin. Pero nageenjoy kasi akong panoorin ka habang unti-unting nahuhulog sa mga bihag ko."
Parang unti-unti akong tinatablan ng hiya sa mga sinasabi niya sa akin. Nasaan na iyong mga matang tumitingin sa akin na punong puno ng pagasa? Nasaan na iyong mga ngiti niya kapag kasama ko siya.
Hindi, hindi si Polly ang nasa harapan ko ngayon.
"Hindi mo pa rin ba talaga nakuha?!" Nagcrossed arms ito. "Hindi ako magpapakasal sayo dahil hindi naman talaga kita mahal."
Nanlaki ang mga mata ko. Kahit gusto kong magsalita walang gustong lumabas.
"Lahat ng ito simula noong pumunta ka sa bahay ko, at nalaman mong may anak ka. Planado. Paano? Eh di ako. Syempre kailangan ko munang ipakita sayo na welcome na welcome ka sa amin dalawa, pero sa totoo lang naiirita ako sayo. Wala eh, kailangan ko talagang gawin ito, para magbunga lahat ng paghihirap ko. So eto na nga iyon. Ito na yung time na matagal na matagal ko ng hinintay. Yung magpapakatanga ka na magpropose sa akin saka kita irereject na lumalagak na 'No'." Nag-smirked ito. "Kamusta? Masakit ba? Kuu. Kulang pa nga iyan. Dapat pala pinagpatuloy ko hanggang sa mismong kasal natin, tapos saka ako mag-No-no sayo sa harap ng kaibigan at kamaganak mo. Pero hindi naman kasi ako kasing sama ng iniisip mo. Mas magandang yung mga Violinist na lang ang makakita ng katangahan mo." Humarap ito sa tatlong lalaki. "Diba?"
Hindi ko tiningnan yung mga tatlong tao sa gilid ko. Wala akong pakielam sa kanila. Ang gusto kong i-sink in sa utak ko ay yung mga pinagsasabi niya ngayon lang.
Planado lahat? Ano ito lokohan lang simula nung una? Isang beses na akong napaglaruan ng dahil sa pagmamahal na iyan tapos eto nanaman? Lihim akong napailing. Hindi, hindi ganito pagkakakilala ko kay Polly.
Kailangan lang maliwanagan ni Polly.
"Hindi ako naniniwala." Sabi ko sa kanya.
"Bah. Problema ko na ba kung maniniwala ka sa akin? Basta sa akin lang, nagsasabi ako ng totoo."
Bakit ganyan siya magsalita? Bakit nawala siya isang saglit lang?
Hindi kaya.. Hindi kaya may kinalaman 'siya' dito?
"May kinalaman ba si Mama dito?" Alam ko siya lang ang may kayang gumawa nito. "Kung meron sabi---"
"Walang kinalaman ang Mama mo dito, Mint. Huwag mo ngang masisi sisi yung taong hindi ko pa nakikita buong buhay ko. Ano ito? Naghahanap ka ng masisisi kahit alam mong ako mismo ang nagplano ng lahat nito? Pakipot sa una, pa-easy to get sa dulo. Di mo ba napuna? Tyaka sa tingin mo ba naniniwala ako sayo na itinago ng Mama mo yung mga sulat na ipinapadala ko sayo? Lumang story na iyan. Ano ito? Meteor Garden lang ang peg? Tss."
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romance(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...
