Hello Anne, BitterRomatic, AgentYellow and Anime na halos manakit ang mata ko sa CAPSLOCK na Comment mo :) Fanfic? Maganda :)
-----
MVW # 28
<Polly's POV>
Napatingala ako nang nasa harapan na ako ng simbahan na pagdadausan dapat ng kasal naming dalawa ni Terrence.
Pero halos gusto kong sumigaw sa Adoration Chapel kanina nung bigla niyang sinabi na hindi siya ang magpapakasal sa akin.
Natural na magulantang lahat ng pwedeng magwala sa akin. MAJOR EVENT ng buhay namin itong dalawa. Kasal namin ito. Hindi ito Joke or kunwarian na kasal-kasalan lang.
Kaya nga kaninang magkausap kami, at sinabi niya ang totoo. Halos umiyak ako sa kanya.
Alam niyang magpapakasal ako ng dahil sa Mama ni Mint. Alam niyang hindi ko siya mahal. Ang masakit, alam niyang panakip butas ko siya.
Kaya hindi ko alam kung ano ba dapat ang mukhang iharap ko sa kanya. Gusto ko siyang magalit sa akin. Gusto kong sabihin niya na manggagamit ako.
Pero sa halip na marinig ko sa kanya ang Galit na iyon. Ginawa pa rin niya ang tama.
Pinakawalan niya ako. Kahit alam kong mahal niya ako.
Tumikhim ako ng maramdaman kong parang gusto nanamang tumulo ng luha sa mata ko.
Ano bang meron si Mint nawala kay Terrence? Bakit ganun si Terrence? Bakit hindi siya magalit sa akin, ganitong ginamit ko siya para maging maayos ang lahat sa aming dalawa ni Mint?
Gusto niyang maging masaya ako kahit alam kong bawat hakbang kanina palayo sa akin ni Terrence nasasaktan siya.
Humakbang ako sa unang baitang ng hagdanan. Tyaka tumingin sa paligid.
Walang tao doon. Pero maraming kotse ang nakapark sa labas ng simbahan. Tahimik ang buong paligid. Napatingin ako sa inaapakan ko. Red Carpet. Napangiti ako.
Pumunta kami sa simbahan ni Terrence, 2days before ng kasal. Kitang kita kong inasikaso niya ang lahat ng detalye para sa kasal namin. Mula sa pagpili ng bulaklak, hanggang sa Carpet na pinagtalunan pa naming dalawa dahil gusto ko sana ay White. Pero sa huli, siya pa din ang nasunod. Alam kong pinaghirapan ni Terrence ang bawat detalye sa kasal.
Kaya hindi ko maisip na basta-basta na lang niya sasabihin na ayaw na niya at kailangan kong magpakasal kay Mint.
Oo, masyado siyang martir. Inaasikaso niya ang kasal ng pinsan niyang, alam ko galit na galit siya dahil sa pagiwan sa amin ni Chill.
Hindi ko alam kung baliw ba talaga siya o natural na gusto niyang nasasaktan siya.
Pero alam ko sa sarili ko noong oras na sabihin niya na ayos na ang lahat... Sobrang kaligayahan yung naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
My Virgin Writer
Romans(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at pagulungin sa kama sa tawa ng 'The Virgin Writer' (Book 1). Ano kayang mangayayari pagdating ng Boo...