Chapter 7

673 21 1
                                    


C h a p t e r S e v e n

We are in a romantic place

~ * * ~

"Kasi naman hindi pa sa likod umangkas. Imbis na dyan ka nakahawak sa bakal, edi sana nakayakap ka sa'kin," panay ang daldal ni Rem habang nagbibisikleta kami. Hindi ko naman siya pinapansin. "Ba't wala kang kibo? Kumain ka na ba, bebe ko?"

May pwersa kong ginalaw ang bakal dahilan para mapaliko kami.

"Whoa. Easy ka lang," ani Rem.

Pababa na pa naman kami. Kung hindi lang siguro agad nakabawi si Rem, malamang sumemplang kami.

May nadaanan kaming mga puno na nagbabasagsakan ang mga bulaklak at halaman dahil sa hangin.

"Wow!" manghang sabi ko habang pinagmamasdan ito.

"The place suddenly became romantic," wika ni Rem.

Sinusundan ko ng tingin ang mga bulaklak na nagbabagsakan hanggang sa napalingon ako. Nagkamali pa ako ng direksyon nang paglingon. Kasi, nagkalapit ang mga mukha namin ni Rem sa isa't isa. To think na nakatingala pa ako.

He stared down at me.

Unti unting naglaho ang ngiti ko habang nakatitig ako sa kanya.

Slowly, he smiled at me.

He glanced at me like he's memorizing every inch of my face. "Ang ganda talaga ng bebe ko."

Napangiwi ako. Here we go again.

"Hey, watch out!" rinig kong sigaw ni Direk BS.

Sabay kaming tumingin ni Rem sa harap. Napasigaw kami pareho.

Bubunggo na kami sa camera operator na nasa unahan namin, na mukhang ngayon lang din naging aware.

Iniwasan iyon ni Rem. Impit akong napatili kasi dirediretso ang pag-andar ng bike. Mabilis ang sumunod na nangyari. Nabunggo kami sa puno. Muntikan pa akong mahulog. Mabuti nalang nahawakan agad ako ni Rem sa bewang. Nakababa na sa lupa ang mga paa niya.

"Yung tuhod mo," I told as I realized his knee slammed against the trunk of the tree. I looked up to him with worriedness.

Ngumiti si Rem in a way na ina-assure ako. "OK lang ako."

"You guys alright?" Si Direk BS, kasama ang ibang staffs.

"May sugat po si Rem." I bit my lowerlip. Tiningnan ko ang tuhod ni Rem. Dumudugo ang sugat nito at may parte na may namumuong pasa.

"Quickly go back to your house. We're sorry. We didn't know this will happen."

"Ayos lang po, Direk. Nagasgasan lang naman po ang tuhod ko. Ang mahalaga, hindi nasaktan si Kangji."

Then the staffs flashed a meaningful smiles. I blushed. Pagtingin ko uli kay Rem, saka ko lang napansin na nakaangkas pa rin ako sa bisikleta at nakahawak pa rin si Rem sa bewang ko. Para na rin siyang nakayakap sa akin.

Napatingin ako sa mga camera at sa mga nag-o-operate nito. Lahat sila nakangiti.

Agad akong bumaba sa bike at tumayo sa tabi ni Direk BS. "Bumalik na daw tayo sa bahay. Tara na."

"Ayoko pa. Maglibot libot muna tayo. Tara, angkas ka na ulit." Tinap niya yung top tube ng bike. Nakaapak sa pedal ang isang paa habang ang isa naman ay nasa lupa.

"Next time nalang. Gagamutin ko pa 'yang sugat mo."

Natuwa naman ang mokong. Nasabi ko yun dahil sa paraan ng pag-ngiti niya.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon