Chapter 12

576 22 1
                                    


C h a p t e r T w e l v e

mamimiss kita.

~ * * ~

Mag-a-alas otso ng umaga ako nagising. Ginising ako ng maingay kong alarm clock. Ayoko pa nga sanang bumangon kaso hindi pwede dahil may performance kami mamayang 1 ng live. 11am ang call time.

Bumaba ako para pumuntang kusina. Habang papalapit, lalong kumakalam ang sikmura ko dahil sa naamoy kong pagkain. Nang sa wakas marating ko ang kusina, nakita ko si Rem na nagluluto. He was wearing all white. White sando and a white PJs. Tas nakasuot pa siya ng cap na kulay puti din. Sumasayaw sayaw siya habang nagpiprito ng bacon.

Umupo ako sa isa sa mga stool at pumahalumbaba sa counter habang pinapanood siya. Ang cute ng pagiging oblivious niya ngayon. I find every of his moves cool! Ang sexy ng likod niya, ng braso niya... Remi is really a Sexy! Naaliw akong panoorin siyang sumayaw nang patalikod sa akin. From his sexy back down to his sexy butt... oh darn it!

Muli kong itinaas ang tingin ko sa ulo niya. I even heard him singing kaya doon ko mas tinuon ang atensyon ko.

Nung siguro tapos na siyang magluto, umikot siya paharap sa akin. Nagulat ako kasi parang nag-slow motion ang lahat. Yung paglingon niya, napakabagal. Maski yung paggalaw ng mga mata niya, ang bagal. Kaya nasaksihan ko ng malinaw ang panlalaki ng mga ito.

I found myself gaping at him with my lips slightly parted. Alam ko na noon pa na gwapo si Rem. But looks like simula nitong mga nakaraang araw ko lang na-a-appreciate ng husto. Yung cap niya is pabaligtad ng suot. Yun bang nasa likod yung bill at nasa may noo niya yung metal clasp. Gaaadd!! He wore the cap very well! Paanong sa simpleng pagsuot ng cap eh lalo siyang gumagwapo? OMG. No. Hindi cap ang nagpapagwapo sa kanya. Rem himself carries the cap perfectly.

"Good morning, Amea!"

Kinailangan kong kumurap kasi lalo akong natulala nung ngumiti siya. Dang. How he can be this attractive? Ni hindi pa nga siya naaayusan ng stylist. Parang tinaas niya lang ang buhok niya sa harapan at basta nalang sinuot ang cap. Pero uulitin ko, bagay sa kanya. Wala kasi masyadong buhok na humaharang sa mukha niya kaya lalong na-highlight ang kagwapuhan niya.

"May iba ka pa bang gustong kainin?" tanong niya. "Aside from these." Ang tinutukoy niya ay ang mga niluto niya: omelet egg, bacons, hotdogs at fried rice.

Dahil sa sinabi niya bigla kong naalala ang pagkaing fried noodles. Kagabi pa ako nagci-crave doon eh. Nung makita ko ang isang advertising sa pinakaibaba ng page ng article na binasa ko kagabi about me being into Zico.

Naalala ko na naman ang tungkol sa issue. Ngunit agad itong natabunan ng pangyayari kagabi sa amin ni Rem sa rooftop. Hindi ko alam kung seryoso siya sa mga pinagsasasabi niya o nangho-hokage lang siya. But to be honest, I can sense his sincerity last night. Kahit na yung way ng pagkasabi niya is pabiro, kita ko sa mga mata niya na behind those humor smiles, he said those words from his heart. Pero ewan ko ba. May pumipigil sa akin eh. Yung side kong nega. Ayaw maniwala. Naguguluhan ako.

"Hey, bakit ganyan itsura mo?" Rem snapped.

Napatingala ako sa kanya. Worried was written in his eyes.

Out of the blue, pumasok sa kokote ko na tanungin siya. Gusto kong tanungin siya kung totoo ang lahat ng sinabi niya kagabi... gusto kong malaman kung totoong gusto niya ako. But the idea of being laughed by him filled my brain so I backed out.

Hayaan ko na nga lang 'to. Marami akong kilalang celebrity na nilalandi ang sinumang babae. Kadalasang dahilan eh para sumikat. Pero alam ko naman na hindi ganoong klaseng tao si Rem. But still, it's so hard to believe.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon