C h a p t e r T w e n t y O n e
Lulubus lubusin ko ang isang daang araw na akin ka
~**~
Nasa garden kami, kumakain si Rem habang ako nakatingin sa kanya. Nag-set up ng picnic ang 1hundred Days team para sa amin ni Rem. Kanina pa sila tulala sa amin habang vini-video-han kami. Marahil nagtataka sila kung bakit hindi kami nagpapansinan ni Rem.
"Matatapos ba ang scene na ito ng walang imikan?" basag ni Direk BS sa katahimikan. Nahihimigan ko rin ang pagkainip at pagkairita sa boses niya.
Sa wakas, tumingin sa akin si Rem. Mga limang segundo. Pagkatapos, balik siya sa pagkain niya. Ang daming sandwiches at prutas na ang nakain niya.
"Kumain ka na."
Para akong nagising nang kausapin ako ni Rem kahit na hindi niya ako tiningnan. Simula kaninang umaga paggising ko, iniiwasan niyang magsalubong ang mga tingin namin. Iniiwasan niya ako. Ano mang lapit ko sakanya para kausapin siya, lumalayo naman siya.
Lalo akong natuwa nung tinulak niya ang basket na naglalaman ng fried chicken and fries.
Kakagat na ako ng chicken nang biglang inanunsyo ni Direk BS na itigil na ang pagvi-video.
"Ipagpatuloy nalang natin sa van hanggang sa airport," sabi pa niya.
"Airport? Mangingibang bansa kami?" hindi maitatago ang antisipasyon sa boses ko.
Nagtaka naman ako nung nagtawanan ang team except kay Direk BS. Pakiramdam ko tuloy napahiya ako.
"Hindi mo ba sinabi sa kanya?" tanong ni Direk BS kay Rem.
"Para san pa? Lahat naman ng sabihin ko hindi niya pinaniniwalaan," mapait na sabi ni Rem. Nagpunas siya ng kamay gamit ang tissue pagkatapos tumayo na.
Tumayo rin ako at sinundan siya.
"Saang bansa ka pupunta?"
"Japan."
Sandali akong natigilan. Bigla kong naalala ang announcement a month ago ng manager ng Dark B. The group will be holding a Guerilla Event at Japan after their comeback stage. Guerilla events are basically big fanmeetings where fans get to interact with their idols. And they will go outside the country─ Japan. Pangalawa sa Pilipinas na may pinakamaraming fans ng Dark B. I should know dahil binasa ko ang buong article ng announcement na iyon. Nakalimutan ko nga lang...
Pag-angat ko ng ulo, wala na si Rem. Tumakbo ako papasok ng bahay. Nakita ko siya sa living area. Tinutulungan niya ang Personal Assistant niya sa pag-aayos ng mga gamit sa maleta niya. Or should I say, dino-double check nila kung may nakaligtaan bang gamit.
Isang maleta at dalawang luggage bag. Mukhang magtatagal sila doon ah.
"Rem," tawag ko sa kanya.
Nilingon naman niya ako. Hinintay kong ngumiti siya gaya ng usual niyang ginagawa kapag nililingon niya ako. Ngunit nabigo ako. Nanatiling naka-poker face siya.
Tumakbo ako palapit sa kanya. "Gaano kayo katagal doon? Saglit lang naman diba?"
Tanong ko, sagot ko.
Naglakad si Rem patalikod sa akin. "Mga isang buwan lang," tugon niya habang isinasara ang maleta.
"Ano? Isang buwan?" bulalas ko. Nagpunta ako sa harapan niya.
Pero hinila niya ang maleta tapos tumalikod na naman siya sa akin.
"Rem!" Pumadyak padyak ako.
"Oh?"
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Conto"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."