C h a p t e r F o u r
Because you are my star. Of all the things on earth, you are the only one that twinkle in my eyes
~ * * ~
"Namiss kita. Sobra." Niyakap ko pabalik si Zico. Nang lumayo ako, tumingin ako sa paligid dahil baka maligaw dito sa kinalulugaran namin. Wala dapat may makakita sa amin ni Nick na magkasama lalo na't kaming dalawa lang. We have been hiding our "unofficial" relationship for months. And it's for the both of our careers' sake.
"Ikaw, ah. Nawala lang ako ng ilang linggo may fiance ka na agad," aniya habang hinahaplos ang pisngi ko. Nahihimigan ko ang pagtatampo sa tinig niya.
"It's just a show. Kung magkakaroon man ako ng totoong fiance, gusto ko ikaw."
Ngumiti siya sa sinabi ko. "Talaga?"
Tumango tango ako at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha.
Hinawakan niya ang kamay ko. "100 days kayong magsasama. Posibleng magustuhan mo siya."
Umiling ako. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. You know I love you," matapat na sabi ko sa kanya.
He smiled. "I love you, too." Niyakap niya ulit ako. Gaaa! Who knows how much I missed him.
Nag-ring ang phone ko kaya humiwalay ako kay Zico.
"Tumatawag si Direk," sabi ko.
"Go on. Kailangan ka na nila."
"Ngayon lang kita ulit nakita eh. Gusto pa kitang makasama," nag-pout ako at niyakap siya uli.
"Kangji." Hinawakan niya ang kamay ko at marahang dinistansya sa kanya. "Gusto mo bang puntahan ka ng direktor mo dito at makita niya tayo sa ganitong sitwasyon?"
Sumimangot ako.
Pinisil niya ang mga kamay ko. "Look, pwede pa naman tayong magkita sa ibang araw."
"Kelan pa yun?"
Tinitigan niya ako. Kita ko sa mga mata niya na maging siya hindi alam kung kailan kami ulit maaaring magkita. Napabuntong hininga ako. Pareho kaming busy. Ngunit mas busy sya dahil umuusbong ang career niya ngayong taon. Kabilaang advertisement, TV appearances, recordings and etc. Sinusuportahan ko nalang kasi unti unting natutupad ang pangarap niya. Kaya nga pumayag ako na itago ang "unofficial" relationship namin. Unofficial na nga lang, tinatago pa. Tss.
Nag-ring na naman ang phone ko matapos ang ilang segundo nitong pananahimik.
"Sige na, bumalik ka na sa studio."
"Sige na nga." Nakabusangot pa rin ako.
Tumawa siya ng mahina. "Ang cute mo talaga." Pinisil niya ang pisngi ko.
"Che!" Tinaboy ko ang kamay niya.
Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.
Natigilan tuloy ako.
"See you next time, baby. I love you!" Nginitian niya ako bago umalis.
***
"KANGJIIII!"
Dinumog ako ng tatlo pagpasok ko sa Practice Room. Nadatnan ko silang nagsasayaw at nang mapansin nila ako, basta nalang silang tumakbo papunta sa akin.
"Ano ba di ako makahinga!"
"OMG, Kangji bakit ka nandito? Wala ba kayong shoot ngayon?" tanong ni Iasha na hinihila hila ang braso ko.

BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Short Story"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."