Chapter 23

639 21 4
                                    


C h a p t e r T w e n t y t h r e e

I believe in you

~**~

Nakatanggap ako ng tawag galing kay Zico kinagabihan. Panay ang paghingi niya ng sorry panay naman ang sabi ko sa kanya na hindi niya kasalanan 'yon at wag siyang mag-alala. Kakarating niya lang daw sa hotel nang tawagan siya ng Sky ent' agency para ipaalam ang kumakalat na issue. Nasa Hawaii siya para mag-shoot ng magiging music video ng bagong kanta niya. He even promised na aayusin niya ang issue pagkabalik na pagkabalik niya dito sa Pilipinas.

Galit na galit ang Producer Director ng Sky Ent kanina nang pinatawag ako sa opisina. Pinapaamin niya ako sa relasyon namin ni Zico at ipinagdidiinan niya ang rules na kasama sa kontratang pinirmahan namin na "Dating with a labelmate is strictly probihited". Inamin ko sa kanya ang totoo. In the end, nabawasan ang galit niya. At pasalamat dahil naniwala siya sa akin na hindi totoo ang mga kumalat na issue.

Kahit galit si PD, na-touch ako sa kanya sa sinabi niyang, "Wag kang mag-alala. Ako mismo ang kikilos para maayos ang gusot na ito. Ayokong masira ang career ng mga bata ko. At ayokong ayokong madungisan ang mga pangalan ninyo na sobra niyong pinaghirapan. Once na malaman ko kung sino ang nasa likod nito, ako mismo ang magsasampa sa kanya ng kaso."

Hindi ako nagbukas ng mga social media accounts ko dahil sigurado akong apaw ang mga notifications ko sa mga pangba-bash ng netizens. Maraming fans si Zico. Kaya maraming galit na galit sa akin. Ang ikinasasama ko lang ng loob ay ang mga pinaparatang nila sa akin. Wala pang bente kwatro oras ang nakalilipas ngunit palala na ng palala ang issue. Umabot pa nga sa punto na hindi lang "raw" hugging and kissing scandal ang meron kami ni Zico. Sex Video na. Doon ako napahagulgol ng iyak.

Tumunog ang phone ko. Akala ko si Mommy na naman ngunit nanlaki nalang ang mga mata ko pagkakita sa pangalan at pagmumukha ni Rem. Mula sa pagkakahiga, umupo ako at pinunasan ang luha ko. Then, I answered his call.

Wala akong narinig na hello mula sa kabilang linya. Naghintay ako ng sasabihin niya ngunit nanatiling tahimik kaya nagsalita na ako.

"Tatawag tawag ka, tapos di ka naman magsasalita?"

"Nag-aalala ako sa'yo."

Napapikit ako sa sinabi niya. "Wag mo 'kong kawaan."

"Iba yung sinabi ko. Wag kang bingi."

Pagdilat ko ng mga mata, sininghalan ko siya. "Pwede ba, galit ako sa'yo!"

"Gaya ng iniisip ko." I imagined him na tumatango tango.

"Hindi mo na nga ako ininform na pupunta ka sa Japan para sa Guerilla Event, hinayaan mo akong mag-isa dito tapos hindi ka pa nagpaparamdam. Mabuti pa yung fans mo ina-update at binabalitaan mo tungkol sa lagay mo dyan sa Japan. Samantalang ako..." Yumuko ako at bumuntong hininga.

It took another seconds of silence. Hindi na naman siya umiimik.

"Hoy, buhay ka pa ba dyan?"

"So hindi ka galit sa akin dahil sa scandal?"

I arched an eyebrow. "At bakit? Hindi naman totoong ikaw ang gumagawa ng issue namin ni Zico."

"How can you be so sure?"

"Alam kong hindi ka ganoong klaseng tao." Kilala ko si Rem. Mabuti siyang tao. Hindi siya gagawa ng ikasisira ng iba. At kahit na sa kaibigan ko pa nanggaling─ si Talia─ na ginagamit lang ako ni Rem para lalo siyang sumikat, hindi ako naniniwala. At kahit napakaraming evidences pa ang kumalat, hindi pa rin ako naniniwala. Kay Rem lang ako maniniwala. Sakanya lang. Isipin ko nalang ang mga pinagsamahan namin simula ng maging participant kami ng 1hundred Days diba. "I... I trust you, Rem. I believe in you."

"It's good to hear." Sa kung paano niya sinabi iyon, ramdam kong nakangiti siya.

"Kailan ka babalik dito?"

"Next year."

"Rem!"

Humalakhak siya. Napangiti ako dahil sa wakas narinig ko na naman ang maganda niyang tawa.

"Miss mo na ba ako?"

"Asa ka." Asa kang hindi.

"OK. Bye."

"Wag muna."

"May sasabihin ka pa ba?"

"Ahmm..."

"Mag-iingat ka dyan. Alam ko problemado ka ngayon pero wag kang magpapayakap sa ibang lalaki. Nandyan naman ang tatlo mong kaibigan eh."

Natawa ako sa sinabi niya.

"I love you, Penelophy Tibanes."

"I love you, too."

Ngunit hindi niya narinig ang sagot ko dahil bago pa man ako magsalita, binaba na niya ang tawag.

***

"KANGJI, GOOD MORNING!"

Nagtaklob ako ng kumot.

Mayamaya, naramdaman ko ang bigat niya sa kama ko.

"Uy, gising na you. Tapos kain us sa labas."

"Ehh, ano ba, Talia. Ang aga aga nangbubulahaw ka."

"Excuse me, tanghali na. Gising na. Kakain tayo sa labas, sagot ko na!"

Inalis ko ang kumot na itinakip ko sa katawan ko at tiningnan ko siya. "Ikaw, manlilibre? Paano nangyari yun?" di makapaniwalang sabi ko.

Nag-flip siya ng buhok. "I changed." Ginaya pa niya ang pagkakasabi ko. Tss.

"OK." Tumayo agad ako. Pumunta ako sa walk in closet para pumili ng susuotin. At nang papunta na ako sa bathroom, natigilan ako pagkakita kay Talia. Aba ang gaga pinaalis ako sa kama ko tapos siya ang pumalit. Nakahiga na siya rito at nakapikit. Yakap yakap pa niya ang mga unan ko.

Umiling iling ako at nilapitan siya. "Ano bang trip mo ngayon?"

Dinilat niya ang mga mata niya at ngumiti ng malapad. "Wala akong kasama sa dorm, eh. Rest day ng Style ngayon diba? Ang kaso si Iasha may commercial shooting tapos si Yna naman, may meeting kasama si Falls. Naghahanda sila para sa song collaboration nila. Ikaw, alam kong wala ka ring ginagawa kaya pinuntahan na kita."

Tiningnan ko lang siya. Pagkatapos tinalikuran na para pumuntang bathroom at maligo.

"Mag-picture tayo. Inggitin natin yung dalawa na nilibre kita."

Pilit akong ngumiti sa camera ng phone ni Talia. Akala ko naman engrande ang panlilibre niya ngayon since FIRST TIME. Yun pala, nagpa-deliver siya ng Jollibee sa LABAS ng bahay, sa front garden. Pasalamat siya paborito ko ang chicken joy at fries sa Jollibee.

Kumain na ulit ako. At nang malapit ko ng maubos ang pagkain, napansin kong tahimik si Talia kaya tiningnan ko siya. Ayan na naman siya. Kilig na kilig na naman ang mukha niya.

At dahil mabait akong kaibigan, inagaw ko sa kanya ang phone niya.

"Kangji!"

Natulala ako pagkakita sa pangalan ng kachat niya. Mark Rem Padua. Tiningnan ko si Talia tapos yung phone niya. Tapos siya ulit, tapos yung phone ulit.

Kilig na kilig si Talia kay Rem? What is the meaning of this?


Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon