Chapter 10

606 20 2
                                    


C h a p t e r T e n

Naiinitan ako

~ * * ~

Nasa mall kami ni Rem with 1hundred Days team. We were dating here like what typical couples do. Nanood kami ng sine. Pinili pa ni Rem ang horror movie. Habang hinihintay naming magsimula ang palabas, pansin na pansin ko ang wagas na pagkakangiti ni Rem. Ang saya saya niya. Palingon lingon siya sa mga tao at kumakaway. Tumitingin rin siya sa mga camera ng 1hundred Days at panay ang pagpapa-cute. Ha. Akala naman niya manhid ako para hindi makaramdam na pinili niya ang nakakatakot na palabas kasi akala niya matatakot ako.

Kilala ko na siya. Alam ko ang kamanyakang naglalaro sa utak niya ngayon.

"Inaantok ako." Then he did the old-yawn-style. Yung mag-iinat tapos pasimpleng ibabagsak ang braso niya sa balikat ko.

"Naiinitan ako." Pasimple kong inalis ang pagkakaakbay niya.

Narinig ko ang tawanan sa team at maging sa mga taong pinapanood kami.

Nang magsimula na ang palabas, tumahimik si Rem kaya nakanood ako ng maayos. Tapos nung nasa kalagitnaan na.... it turned out na si Rem ang natatakot. Ha-ha-ha! Tawang tawa talaga ako. Halos siya na nga ang pinanood ko imbis na tumingin ako sa wide screen. Ang kulit kasi ng reaksyon niya. Todo kapit sya sa magkabilang arm rest ng upuan niya tapos mapapapikit with matching sigaw pa. May time pa nga na nagulat siya kaya impit siyang napatili. OMG parang bakla! Tapos nung ma-realize niya na napatili siya, bigla siyang nagmura. Oops! Censored. Maging ang team tawang tawa sa reaksyon niya. Napansin ko rin na karamihan tumatawa. Ayun pala pinapanood rin nila si Rem.

"Bakla," bulong ko kay Rem habang naglalakad. Kalalabas lang namin ng sinehan.

Tumingin siya sa akin. May balak pa siyang sabihin kaya inunahan ko na siya.

"May salon, oh. Dyan ka nalang magpa-dyed ng buhok."

Lumingon siya sa tinuturo ko.

Kasama sa preparations ng comeback ang hair style. Since malapit na nga ang comeback stage nila, naisipan niyang magpa-dyed na ng buhok. Ash gray ang napili niya na bagay naman sa concept nilang pang-dracula. Nakita ko sa internet na nagbago na ng hairstyle ang dalawa pa sa members ng Dark B, sina Lindo at Lex.

Mabilis na pinakiusapan ng mga staffs ang mga taong nahaharangan ang salon. Marami rami sila at pinapanood kami.

Nagbigay daan naman sila at tumabi sa gilid. Sapat na upang hindi sila mahagip ng camera.

"Tara. Magpa-dyed ka din," anyaya niya.

"Bakit naman?"

"Lalo kang gaganda sa ash gray hair color."

I blinked. Why persuading?

"Let's go, Amea." Hinawakan niya ako sa wrist at hinila na papunta sa salon.

Hindi ko alam kung ilang beses akong napa-Wow mentally matapos kong makita ang resulta sa buhok ni Rem. Ang... gwapo niya lalo. Naging toussled ang hair niya. Tapos kapag pinapadaan niya ang mga daliri niya sa malambot niyang buhok... argh! Ayokong ma-attract sa kanya. Loyal ako sa ka-MU ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Ang buhok kong kulay brown na kulot ang dulo, naging wavy at kulay ash gray na. I admit, I'm loving this even more. Mas gusto ko ang hairstyle ko ngayon.

Pero wait...

Tiningnan ko ulit si Rem. Yung buhok namin...

Nilingon ako ni Rem at kinindatan.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon