C h a p t e r T w e n t y S e v e n
Now, it's only me and him with nothing in between
~**~
"Wake up, Amea! Mayamaya lang nandito na ang 1hundred Days team para sunduin tayo."
Binuksan ko ang mga mata ko at tinitigan si Rem na nakaupo sa kama ko habang ginigising ako.
Ngayon na ang ika-isandaang araw namin sa show, our last day and our virtual wedding day. Susunduin
kami dito ng team tapos papaayusan nila kami sa pinakasikat na stylist. Yung wedding gown na susuotin
ko ay mamaya ko pa makikita. Para daw surprise."You have the guts to come here by yourself, huh?" Binitiwan ko ang unan na yakap yakap ko at hinila
siya."This is my every midnight routine," he said in a matter-of-fact.
"So ikaw pala talaga ang bumibisita sa akin dito sa kwarto ko na akala ko multo?" sabi ko sakanya while
cupping his cheeks. I was about to kiss him but he stopped me. Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa
ginawa niyang pagpigil sa akin."Let me do it," he murmured. "I love you. Kangji, amea."
"Yes, Rem. Suntata. I love you."
"Shet para akong nasa panaginip." May papikit pikit effect pa ang mokong.
"Leche ang OA mo talaga! Mahal nga kita di ito panaginip at mas lalong hindi rumor!"
Humalakhak siya. "Yan. Mas makatotohanan." He leaned down and mumbled, "Finally, mine." He said
as he planted a sweet kiss on my lips.Nang lumayo siya, naalala ko bigla ang dapat ibibigay ko sa kanya once na bumalik siya rito sa Pilipinas.
Kaso dahil sadyang malilimutin, ilang araw na ang nakalipas ngayon ko lang naalala.Itinulak ko siya at umalis sa kama.
"Aray, Kangji. Hilig mo talagang ipagtabuyan ako eno?" drama ni Rem.
"Manahimik ka dyan!" Hinanap ko ang paperbag na pinaglalagyan ng regalo ko sakanya sa cabinet.
Nang makita ko, niyakap ko ito at bumalik sa kama.
"Ano 'yan?"
"Reglo ko sa'yo." Inabot ko sa kanya ang paperbag.
Ngumiti si Rem at inabot iyon. Kita sa mga mata niya ang pagka-excite na malaman kung ano ang nasa
loob. Miski ako excited. Excited akong malaman ang magiging reaksyon niya.
Kumunot ang noo niya pagkakita sa teddy bear. What? Is he disappointed? Hindi ba niya nagustuhan?"Parang ganito yung teddy bear na binigay ko sa'yo, ah?"
"Yeah right." Kinuha ko ang teddy bear na binigay niya na nasa kama lang din. Lagi ko itong katabi kapag natutulog ako.
"They're a couple."
"Parang tayo lang?"
I nodded, agreeing on him. "Parang tayo lang."
"Wow. Thanks!" He then hugged me with a teddy bear in between.
"Uh, may zipper din yan sa likod," sabi ko na nagbibigay senyales.
Nung nag mall kami ni Yna, yang teddy bear na yan ang na-spotlight-an ng mga mata ko kasi katulad ng binigay sa akin ni Rem. Kulay puti lang ang bigay niya sa akin tapos ayan kulay light brown.
Nagkataon din na may zipper sa likod ang teddy bear. Ang cute lang, diba?
Binuksan ni Rem ang zipper.Pagkatapos, lalong lumawak ang ngiti niya ng may makitang photo paper
sa loob. "So nakita mo na pala yung nilagay ko sa teddy bear mo.""Oo, nung mga panahong nasa Japan ka pa."
Akala ko kung anong drama ang minumukmok ni Rem kaya nagpaiwan siya sa Japan. Ayun pala, may
inasikaso siyang partnership contract sa isang sikat na shoes company. Gagawin sila nitong model endorser for three years. Dahil siya ang leader, siya ang kasama ng manager nila sa pag-aasikaso nun.At yung iba pang members ng Dark B, kailangan ng bumalik agad dito sa Pilipinas dahil marami silang
activities na hindi dapat ipagpaliban."Ang sweet ng ngiti natin dito. Bagay talaga tayo," komento ni Rem habang pinagmamasdan ang picture.
That was taken during the day of their comeback stage. Nung commercial break, pinicture-an kaming
dalawa ni Toshi. Nakaupo kaming dalawa ni Rem at nakaakbay siya sa akin. Sa FB page ni Rem ko na
kita ang picture na 'yan."Baka may sulat rin yan sa likod," parinig ko.
Tinalikod ni Rem ang picture. Nakita niya ang nakasulat.
I LOVE YOU MARK REM PADUA
"Wait, may isa pa akong gustong linawin," sabi ko sa kanya.
"Ano yun?"
"Ako ba yung... mga mysterious posts mo sa IG?"
He chuckled. "Walang wala ka sigurong magawa nung nasa Japan ako, ano? Misko IG ko hinalungkat
mo na.""Sagutin mo nalang!"
He grinned and told, "Sabi ko naman kasi sa'yo, diba? I'm a big fan of yours. Simula pa ng debut day
ninyo. Nang makita kong tinulungan mo ang isang matanda. Alam ko kung gaano kaimportante sa bawat
grupo ang debut day kaya sobra akong humanga sayo dahil handa kang isakripisyo ang debut
performance ninyo dahil ayaw mo siyang iwan.""So ikaw nga yung lalaking naka-cap na tumulong sa amin para pag-debut-in pa rin kami?" Though may
ideya na ako, hindi pa rin ako makapaniwala.Tumango tango siya.
"OMG." Hinila ko sa kanya ang teddy bear na hawak niya at hinagis sa kung saan bago siya niyakap.
Now, it's only me and him with nothing in between. Wala ng harang. Wala ng paepal. Kaming kami na
talaga.***
Sa isang malawak na garden ginanap ang virtual wedding. Para kaming nasa paraiso sa ganda ng lugar.
Malamig ang simoy ng hangin at ang gaganda ng mga bulaklak na nakikita ko sa paligid. My family is here, and so do Rem's. Nandito ang Style at Dark B. Kasama rin ang mga kaibigan namin sa ibang grupo.
Ang mga babaeng dumalo sa kasal ay mga nakasuot na floral bracelet. Habang ako naman, may
floral bracelet na, may floral crown pa. Miski yung anklet ko bulaklakin rin. Simpleng knee length white
dress ang suot ko. Feeling ko nga isa akong flower fairy na ikakasal sa isang napakagwapong lalaki."You may kiss the bride."
Nagkatinginan kami ni Rem. And as if nag-uusap kami through glances, sabay kaming tumango at humarap sa mga tao, at sa mga cameras na nakatutok sa amin.
"This must be the end of Kangji and I being On-Cam couple," paninimula ni Rem. Nilingon niya ako at hinawakan ang kamay ko bago siya nagpatuloy. "We thank Direk BS and the whole team of 1hundred Days. Thank you for the show na nagsilbing tulay para paglapitin kami ni Kangji. Or shall I say, para
mawala ang pagka-torpe ko kay Kangji."Namula ako sa sinabi ni Rem. Nagsimula ng paulanin ng tanong ng mga taga media si Rem.
"Is that mean..." sabi ng isang journalist na pumunta sa mismong tapat namin ni Rem.
"Yes," tumango tango si Rem. "From On-Cam couple to Real-Life couple. I may now pronounce you, Kangji is my girlfrined. And I am his boyfriend."
.
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Short Story"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."