Chapter 16

515 24 0
                                    


C h a p t e r S i x t e e n

You know you can't be into Zico.

~ * * ~

Nagising ako na parang minamartilyo ang ulo ko. Hang over. Napatingin ako sa bedside table kung saan nakapatong ang phone kong kanina pa tunog ng tunog. Naisip kong si Madam G iyon or si Yna since may photoshoot ang style ngayon for summer season.

I stretched my arm and reached for my phone.

Hindi pangalan ni Madam G o ng kahit na sino sa groupmate ko ang nakikita ko sa screen. Kinusot ko ang mga mata ko habang nagdedesisyon kung sasagutin ko ba o hindi ang tawag,. In the end, hindi ko nalang sinagot. Tumagilid ako at nilapag sa kama ang phone ko. Hinayaan kong tumigil sa pagtunog ito. Ngunit ilang sandali lang matapos tumigil ang kung sino mang tumatawag, nagbeep ito hudyat na may nagtext.

Papikit na sana ako eh.

Good Morning, Kangji! Favor naman oh. Pwede pakigising si Rem? Kanina pa namin siya tinatawagan di sinasagot eh. Ngayon ang comeback stage namin at kailangan nandito na siya ngayon. Siya nalang ang kulang. - Lindo

Tuluyan na ngang nawala ang antok ko. Napaupo ako at dali daling tinawagan si Lindo na siya pala ang anonymous na kanina pa tawag ng tawag.

Bigla kong naalala na ngayon ang comeback stage ng Dark B. Ang pinakahihintay ng nakararami.

"Yes, Kangji? Gising na ba siya? Pwede pakiusap?" sunod sunod na sabi ni Lindo matapos sagutin ang tawag ko. His tone is in a hurry.

"Kagigising ko lang, eh. Pero I'll go check him now." I set my comforter aside. Pagkababa ko ng paa ko sa sahig, napansin ko ang isang basong tubig at gamot sa side table.

Natigilan akong sandali. Walang pag-aalinlangan si Rem ang naglagay nyan dyan. Aww, na-tats naman ako.

"Give me a minute, Lindo." Ininom ko ang gamot pagkatapos yung tubig. "Papunta na ako sa kwarto niya.

"Mag-iingat ka, Kangji!" Boses ni Warren. Therefore I conclude na naka-loudspeak ang phone ni Lindo.

"Sa aming lima siya ang pinakamahirap gisingin." Boses naman ni Chael.

"Kapag ginising mo, nananapak pa," dagdag ni Warren.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Nasa labas na ako ng kwarto ko habang nakatingin sa pinto ng kwarto ni Rem.

"Seryoso?" tanong ko.

Nagsipang-ayunan naman sila.

"Ayoko na. Di ko na gigisingin. Punta nalang kayo dito."

Narinig ko ang tawanan nila.

"Sabay back out?" anang Lindo.

"Konsensya mo na 'yan kapag hindi kami kompleto mamaya sa comeback stage namin. Bye!" At binabaan na ako ni Lindo.

Tinawagan ko siya ng ilang ulit pero binababa niya hanggang sa naging unavaible to call na which I think in-off niya ang phone niya.

Waah. What to do?

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Bahala na. Kailangan na si Rem ng mga ka-grupo niya.

Pagpasok ko sa kwarto ni Rem, naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Nakabalot siya ng malambot na comforter at napapalibutan ng maraming unan. Ramdam ko rin na sobrang lamig ng kwarto niya. Wagas kung mag-aircon!

Lumapit ako sa kanya. Napairap nalang ako nang makita ko na naman ang dalawang dreamcatchers na magkatabing nakasabit sa headboard ng kama ni Rem.

Umupo ako at tinalikuran ang dreamcatchers para hindi ko makita.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon