C h a p t e r T w e n t y f i v e
Miss na din kita. Seryoso.
~**~
Kinabukasan, si Yna naman ang kasama ko. Naka-disguise kami habang nagsho-shopping sa Rockwell.
We were wearing wigs, hiding our long hair, and a big sunglasses that's almost covering our faces.Actually, kahit hindi na kami mag-disguise kasi hindi naman matao sa lugar na ito. Ngunit mabuti na rin
ang nag-iingat. Lalo na ako. Baka mamaya may taga media sa paligid, bigla akong dumugin. Ayoko pa
naman magsalita tungkol sa issue. Ayos na sa akin na nalinis ang pangalan ko.Makakahinga na ako ng
maluwag doon at mabubuhay ng matiwasay. Lol. Tsaka, issue lang yan. Lilipas at makakalimutan rin yan
ng mga tao. Ma-i-stress lang ako kapag iisipin ng iisipin ko 'yon. Always think positive dapat."Nakauwi na ang Dark B ah," ani Yna.
"Except for my Suntata," nakasimangot na sabi ko.
"Kailan kaya balak bumalik ng mokong na yun?"
Natawa si Yna kaya napalingon ako sa kanya.
"Hanggang ngayon ba hindi mo alam ang ibig sabihin ng Suntata?"
Kumunot ang noo ko.
"Suntata, imbentong salita lang ni Rem yun. Pati sa Amea. Sinabihan ko kasi siya na mag-imbento nalang ng tawagan namin. I hate cheesy endearments."
"But you got the cheesy endearment."
"Huh?"
"Suntata mean "I'm Yours" in romanian word. And Amea means "Mine"."
"What?" I gasped.
"You heard me."
"Naisahan ako ng lalaking yun, ah."
Kung kailan matatapos na ang episode saka ko pa nalaman.
Kaya naman pala kakaiba ang ngiti ni Yna nang marinig niya ang tawagan namin ni Rem. Kasi naiintindihan
niya. Oh, well."But I like it." I smiled sheepishly.
May nadaanan kaming isang botique. At may isang bagay na naka-display doon na talagang kumuha ng
atensyon ko."Let's go there!" excited na sabi ko at hinila si Yna.
***
Nag-chat ako kay Rem ng isang screenshot photo. Ini-screenshot ko ang nabasa kong article na nasa bar siya sa Japan at napaliligiran ng mga babae.
Mark Rem Padua: Sino yan?
I made a face. Nabasa naman niya siguro ang title na naka-bold ang font? Nasa title ang pangalan niya duh.
Penelophy Tibanes: May iba pa bang Rem sa Dark B?
Mark Rem Padua: Ah ako ba yan? Kainggit naman 'yang doppleganger ko. Buti pa sya nakakapag-bar.
Natawa ako.
Doppleganger daw. Ha-ha-ha! Well, alam ko naman talagang hindi siya 'yan. Hello? Parehas lang sila ng buhok pero walang sinabi ang mukha nung guy na nasa picture sa kagwapuhan ni
Rem. Yes, gwapo rin ang nasa picture. Maputi at halatang mayaman. But, walang wala siya kay Rem.Sorry for comparing pero ayun ang totoo. Kaya nga nung buksan ko ang link at makita ng buo ang picture, natawa at napailing nalang ako. Ang epic naman kasi ng kung sino man ang source nito. Mag-i-imbento nalang, yung malayo pa sa mukha ni Rem.
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Historia Corta"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."