Chapter 24

553 17 1
                                    

C h a p t e r T w e n t y F o u r

Secretly

~**~

"Waah, Kangji, wag ka ng magalit sa'kin! Wala naman akong masamang ginagawa eh. Masama bang
kiligin ako?" Panay ang kalabit sa akin ni Talia ngunit hindi ko siya pinapansin.

Binuksan ko ang malaking HD TV na nakadikit sa wall. Then, I turned on its wifi.

"Ang sweet sweet kasi ni Rem, eh. Pansinin mo na ako!"

Nagbrowse ako ng internet at nagpunta sa Youtube site.

"Oy, Kangji!" patuloy sa pangungulit ni Talia.

Tumayo ako para kumuha ng junk foods sa kusina. Sinundan naman ako ng bruha.

"Si Rem kasi, eh. Ang sweet sa'yo. Ang sabi niya hindi siya magpaparamdam sa'yo habang nasa Japan
siya pero hindi ka niya natiis. Tinawagan ka niya kagabi kasi talagang nag-aalala siya sa'yo."

Nilingon ko siya saglit. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon
dahil ka-chat niya si Rem kanina. Hindi lang pala kanina. Maging kahapon nung nagpunta ako sa dorm,
si Rem din pala ang kausap niya. Inamin rin ni Talia na kaya wagas siyang makangiti kahapon dahil
natatawa siya kay Rem.

Ang dami raw kasi nitong tanong sa kanya na halatang nag-aalala sa akin. And Rem sounds gayish but sweet. Yun ang pinagtatawanan niya.

"Tapos kahapon, sinusubukan lang kita. Tinitingnan ko kung gaano kalaki ang tiwala mo kay Rem."

Sinubsub ko ang Pick A sa chest niya. Bahagya siyang napaatras. "Nasa panig ka ba ng mokong na
yun?"

"Boto ako sa kanya eh."

Bumalik na kami sa sala. At pinanood namin ni Talia ang RemJi episode. Sinimulan ko sa part na hindi
ko pa napapanood. Kilig na kililg ang gaga. Mas kinikilig pa siya sa akin. Ilang hampas ang nakuha ko sa
kanya. Tss.

Tuwing pinapanood ko talaga ang episode namin, lalo ko siyang nami-miss.

"Teka, click mo yun!" Tinuro ni Talia ang isa sa mga suggestions sa ibaba ng nagpi-play na video.

Ang nasa thumbnail ay nakatalikod sa akin si Rem. Ito yung bago siya pumunta sa Japan. "OMG, may teaser
pala nyan. Ngayon ko lang nakita."
Ang latest na in-air palang sa TV eh yung sa part bago ang comeback stage ni Rem.

Sa sobrang pagka-excite ni Talia, inagaw niya sa akin ang remote at siya na ang kumilos. Lumaki ang kanina lang maliit na thumbnail at ito na ang ibinibida ng malaking screen.

Naningkit ang mga mata ko. Kaya naman pala panay ang iwas sa akin ni Rem nyan at panay ang yuko
niya kasi tumatawa siya ng walang tunog. He makes fun of me! Lalo na sa naging reaksyon ko nang
sagutin niya akong isang buwan siyang mawawala. Kaya naman pala mabilis niya akong tinalikuran that
time para hindi ko makita na natatawa siya. Tsk.

Pinagtatawanan mo ako, ha? Pwes, humanda ka sa akin kapag bumalik ka dito!

***

Nang sumunod na araw, maraming magandang balita ang dumating. Uumpisahan ko sa scandal issue,
tinawagan ako ng agency na nalaman na nila kung sino ang nagpakalat ng issue na 'yon. And that is
Lisa.

Nagulat ako.

Kasi yung kagandahan niya ay napaka-amo na mukhang hindi gagawa ng masama.

But, looks can be decieving. Tunay nga siyang awarding actress. Kasi napaniwala niya akong sa
"kaartehan" niya. Keme niya nung inaawat niya si Dars na sabihin sa akin na boyfriend niya daw si Rem.
Tss, no doubt pinlano nila 'yon.
Ngayon, siya na ang bina-bash ng netizens at nahaharap sa kasong isinampa sa kanya ng PD.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon