Chapter 8

595 21 1
                                    


C h a p t e r E i g h t

I am your fan..

~ * * ~

Sa lahat ng event, ang Meet and Greet with fans ang pinakapaborito ko. The second on my list is the album signing event. Dito kasi ako labis na kinikilig. Naglalabasan ang appreciations ng fans sa amin. Kilig much ako everytime nakakarinig ako ng iba't ibang kwento sa iba't-ibang fans kung gaano nila kami ina-admire at ginagawang inspirasyon sa buhay.

"Kangji oneechan, this is for you." Inabutan ako ng isang notebook ng isang cute na cute na batang babae. She was wearing a pink bunny headband and a pink dress.

"Aw, thank you. Anong name mo and how old are you?"

"I'm Kazie Yunaki and I'm four," she answered. Then she raised her four fingers.

Napangiti ako sa ka-cute-an niya bago ko binuklat ang notebook. And as I did, napa-Wow talaga ako. Medyo exagge ang reaksyon ko kaya napalingon sa akin si Yna na katabi ko.

"Yna, look!" Masaya kong pinakita sa kanya ang unang pahina kung saan may naka-drawing na apat na babae which symbolizes us, the Style. Yung kulay pa ng mga buhok ay katulad na katulad sa hair color namin during our first ever song "Dress Me Up".

Nasaksihan ko kung paano manlaki ang mga mata ni Yna sa pagka-amaze. Kinalabit niya ang katabing si Talia at tinuro ang hawak kong notebook. Ganun din ang ginawa ko sa katabi kong si Iasha.Kinalabit ko rin siya at pinakita sa kanya ang drawing.

"Ang cute naman!" komento ni Iasha. "Ikaw ang may gawa niyan, baby girl?"

Tumango tango ang bata.

Napansin kong may nakatayong babae sa gilid niya. Mommy niya, walang pag-aalinlangan.

"Ang talented po ng anak niyo. Parang hindi four year old ang may gawa nito," tapat na sabi ko.

"Ganoon siya ka-inspire sainyo. Kaya maraming maraming salamat sa grupo niyo."

Namula kami sa papuri niya.

Matapos namin mag-usap ng bata, magpicture at magyakapan, nagpaalam na sila.

"Sige po. Masyado na kaming matagal. Unfair na sa mga fans na nakapila sa likod," magalang na sabi ng mommy ni Kazie.

"Bye, cutie! See you again!"

Kumaway sa amin si Kazie habang papaalis. Sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

"Ang cute talaga ng bata," rinig kong sabi ni Yna. Tiningnan ko siya. Hindi na niya napansin ang fan na nasa tapat niya dahil sinusundan niya rin pala ng tingin ang bata.

"Huy! Pansinin mo naman yung nasa tapat mo!" Kinalabit ko si Yna at doon lang siya natauhan.

"Ah yes. I'm sorry. How are you dear?"

Napailing nalang ako.

Pag-angat ko ng ulo para makita ang mukha ng sumunod sa pila, muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Rem. Kaya naman pala nakapagtatakang walang nagrereklamo sa pila kahit na matagal kaming nagbonding ni Kazie dahil may entertainer sa likod.

I wonder kung anong naging reaksyon ng mga fangirls and fanboys pagkakita kay Rem. Hindi kasi magulo eh. Ang kalmado nila.

"Surprise?" Ngumiti siya at inabutan ako ng malaking teddy bear.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon