C h a p t e r N i n e
Don't fall in love with your virtual fiance
~ * * ~
Today is Sunday, rest day. Balak ko pa nga sanang umuwi sa bahay ngunit paglabas ko ng bahay, sakto nakatanggap ako ng text mula kay Zico na magkita raw kami. Since may naka-schedule daw siyang recording within 10AM, sinabi niyang kung pwede sa network building nalang kami magkita.
Wala pang alas otso ng makarating ako sa rooftop ng nasabing gusali. Naabutan ko siyang nakatayo at nakahawak sa railing habang nakatingin sa malayo. I'm so excited to see him! Kaya ang dapat na balak kong gugulatin siya eh hindi ko na nagawa dahil di ko napigilan ang sariling tawagin siya.
Lumingon siya sa akin ng may kasamang ngiti. Ang gwapo niya talaga! Kulay brown ang buhok niya na bumagay sa maputi niyang balat. His eyes are brown as his hair.
"God, I missed you, baby."
Naramdaman ko ang sinseridad sa sinabi niya ng yakapin niya ako. Ganunman, nakakaramdam ako ng pagkadismaya. Miss na pala niya ako pero hindi manlang siya nagpaparamdam at gumawa ng paraan upang magkita kami. Ngayon lang ulit.
Hinawakan niya ako sa balikat nang humiwalay siya. "You have been very busy, haven't you?"
Napangisi ako. "Ako pa ba? Eh ikaw nga 'tong twice in a month lang ata ako naaalala," nagtatampong sabi ko at tinaboy ang kamay niya sa balikat ko.
"Sorry na, baby. Sobrang busy lang talaga dahil sa album tour ko tapos may upcoming song pa akong pinagsusumikapan."
Zico is a solo artist. Nakilala ko siya during my trainee days in this same entertainment company. Nagustuhan ko siya dahil sa galing niyang kumanta at dahil napaka-persitent niyang tao. Nauna akong magdebut sakanya ng isang taon. Tatlong taon na ang Style habang siya naman dalawang taon na simula ng maging ganap na song artist. Isang araw ay nagkaaminan kami ng nararamdaman namin sa isa't isa. Nagpalitan kami ng I love you, ngunit walang official lable na naganap. Walang ligawan and all the things. Basta alam namin na pareho kami ng nararamdaman, tapos ang usapan. MU na. May time na gusto kong linawin ang kung ano mang namamagitan sa amin kaso napapansin kong umiiwas siya parati. Pero dahil mahal ko siya, hinayaan ko ang bagay na 'yon as long as we are both happy.
And this rooftop used to be our rendezvous even before.
"Napanood ko kagabi ang teaser ng episode ninyo ni Rem sa 1hundred Days," wika ni Zico makalipas ang ilang minutong katahimikang namagitan sa aming dalawa. "The video instantly gone viral. In just an hour, million of views na sa Youtube."
Hindi ko alam kung bakit pero walang nabago sa emosyon ko ngayon. I am blank and still feeling dismayed.
"Marami ring nagpost ng fancam videos sa inyo ni Rem."
"And so? Why are you bringing up the show all of a sudden?"
"Dahil sa napanood ko, bigla akong nakaramdam ng takot na baka maagaw ka niya," tugon niya di pa man ako ganap na tapos.
Natulala ako sa sinabi niya. "Do you really love me, Zico?"
"Of course, I do." Hinawakan niya ang pisngi ko. "I really do."
"Then be my official boyfriend."
Rumehistro ang gulat sa mukha niya. Umatras siya at sa labis kong ikinadismaya...
"Hindi na naman mahalaga 'yon, diba? As long as we know and we feel that we love each other."
Tuluyan na akong napaiyak. Ang dami kong gustong sabihin. Gusto kong magpaliwanag ngunit ayaw makisama ng bibig ko. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak at humikbi. Para na akong nagmamakaawa.
"Listen, Kangji." He tucked some strands of my hair behind my ear. "I promise, maging stable lang ang career ko, liligawan agad kita."
"Totoo ba yan?"
Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko. "Totoo, pangako."
Napangiti ako dun at niyakap siya sa bewang.
"Just promise me one thing, Kangji."
Humiwalay ako sa kanya para tingnan siya.
"Don't fall in love with your virtual fiance."
Tumawa ako ng pilit na pinaparamdam ko sa kanya na isang joke ang sinabi niya. "Of all the boys bakit si Rem pa?"
"Of course siya ang palagi mong kasama. And I hate to admit but the two of you look good together."
"Zico!"
"Besides, he likes you."
"That's not true."
Zico shook his head. "I can see it in his eyes. Ang lagkit niyang tumingin sa'yo."
"Aww. Why so jealous?"
"Malakas naman ang alas ko," tonong nagyayabang na sabi niya. "Because you love me." Then he pulled me again to hug me.
Ngumiti ako. Bigla kong naalala ang recording niya kaya napatingin ako sa relo ko. "Wala kang balak pumunta sa studio?"
"Ah, shit. Oo nga pala."
Sumimangot ako.
"Oh, what's with the sad face huh?" Inangat niya ang baba ko at tiningnan ng maigi ang mukha ko.
"Kasi matagal na naman bago tayo magkita. Next month na siguro," naka-pout na sabi ko.
"Magtiis muna tayo, OK? Dadating ang araw na malaya na nating ipagsisigawan sa buong mundo kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Palagi na rin tayong magsasama sa araw na 'yon."
"I will pray for that."
"That's better. I love you!"
Bumuka ang bibig ko.
Tinitigan niya ako.
Heck, why all of a sudden it became hard for me to say I love you to him?
Kumunot ang noo niya. Nagtataka kung bakit hindi ko masagot ang I love you niya na dati naman ako pa ang nauunang magsabi sa kanya nun.
"S-sige na. M-may r-recording ka pa." At bakit ako nabubulol? This is weird!
Tumango tango siya. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka.
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Historia Corta"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."