C h a p t e r F i v e
Rumor or truth?
~ * * ~
"Ayaw bumukas," ani Rem habang patuloy na pinipihit ang knob ng pintuan nitong antique shop.
Kanina habang tumitingin tingin kami sa mga antik na bagay, namatay ang mga ilaw. Nagulat ako at biglang napayakap sa katabi kong si Rem. Siya namang pervert, nagtake-advantage. Niyakap ako pabalik tapos hinaplos ang buhok ko habang sinasabing, "It's, OK. It's OK. Everything will be alright. Don't be scared. I'm here."
Tinulak ko siya at sinuntok sa dibdib. Nag-away kami. Ang resulta, hindi namin namalayan na nilo-lock-an na pala kami ng pinto ni Aling Ana. Hays, buhay!
"Sirain mo kaya! Sipain mo!"
"Ikaw kaya gumawa tignan natin kung kaya mo."
"Bakit, sino ba ang lalake dito?"
"Wala tayo sa movie, aking fiancee. Matatag ang pinto, di basta basta mapapatumba. Our only choice is to wait. Saglit lang naman siguro ang 1hundred Days team. Kakain lang sila tapos babalik na agad dito."
Napabuntong hininga ako at tiningnan ang paligid.
Nalimutan sigurong patayin ng matanda ang isang ilaw. Pasalamat na rin dahil kahit papaano ay may liwanag dito. Ganunman, natatakot pa rin ako. Dim light plus creepy stuffs surrounded by us. Arrghhh.
Napatingin ako sa dream catcher na hawak ko. Bigla akong kinilabutan nang maalala ang istoryang nasa likod nito.
"Ikaw muna maghawak." Inabot ko kay Rem ang dream catcher tapos naupo. Sumandal ako sa may pinto. "Ikaw kasi, eh. Binilinan na nga tayo ni Direk BS na kausapin ng kausapin ang matanda para di tayo malimutan."
"Bakit ako? Nakita mong sinusundan kita."
"Sino ba kasing nagsabing sumunod ka?"
"Wala. Pero syempre fiancee kita. Kung nasaan ka, nandoon din ako."
Pumikit ako ng mariin. Walang magandang patutunguhan ang usapang ito.
Dinilat ko muli ang mga mata ko nang maramdamang umupo si Rem sa tabi ko. Napatingin ako sa mga hawak niya. Ang dream catchers.
Muli akong kinilabutan at natakot. Niyakap ko ang sarili ko at pumikit uli upang maibsan ang takot na nararamdaman ko.
"Bakit mo niyayakap sarili mo?" tanong ni Rem.
"Naalala ko kasi yung kwento ni Aling Ana."
"Saan? Dito sa dalawang dream catcher?"
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapikit.
"Kaya pala pinahawak mo sa akin ito," sabi pa niya. "Paano nga uli namatay ang dalawa? Ah, naalala ko na. Dahil sa lindol. Hawak pa nila ang mga ito hanggang sa mamatay sila. Grabe, nakakakilabot, ano?"
Dinilat ko ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin. "Shut up!"
Tumawa siya. "But you know, kaya kong yakapin ang sarili mo. Sabihin mo lang kung nangangalay ka na. Magvovolunteer akong gawin 'yang ginagawa mo sa sarili mo."
"Di ka talaga titigil?"
Rem held up his hand in a defeat.
Inirapan ko siya tapos muli akong pumikit.
May kumalabog. Sa gulat ko, napasubsob ako kay Rem. It took a seconds until I realize na magkayakap kami ni Rem.
"Bakit ka nakayakap sa'kin, ha?"
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Historia Corta"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."