C h a p t e r T w e n t y
I thought I love you
~**~
Pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako nang makita ang 1hundred Days team. The equipments are all set. Ang mga cameras ay nakatutok sa may pinto kaya ang ganda ng pasok ko. Tss.
"Where's Rem?" tanong sa akin ni Direk BS.
"Uh..." Nag-iwas ako ng tingin. Ano ba ang sasabihin ko? Hindi ko naman maaaring sabihin sakanila ang naganap kanina kung kaya't hindi kami magkasama ni Rem ngayon. OK lang sana kung kina Direk BS at Sunny. Ang kaso, lahat nandito. Baka mamaya magkaroon pa ng issue. "Baka po nag-celebrate sila ng Dark B. Alam niyo na po, their comeback today is a huge success."
"Baka?" tanong ni Sunny. "Hindi niya sinabi sa'yo?"
Yumuko lang ako. Hindi alam ang isasagot.
"Sayang naman. Napanood kasi namin ang sweet moments niyo kanina sa Fame! show. Grabe sobrang nakakakilig! Lalo na nung tumayo si Rem para sunduin ka sa kinauupuan mo tapos siya agad ang humawak ng kamay mo kasi ayaw niyang mahawakan ng iba ang kamay mo. Hihi, ang sweet sweet!" kinikilig na sabi ni Sunny. "Tinawagan agad ni Direk BS ang buong team at pinagtipon tipon dito para mag-film."
Tiningnan ko si Direk BS. Yung ekspresyon niya ay parang she smells something fishy. She was looking at me intently na parang binabasa ang nasa isip ko. Nag-iwas ako ng tingin. I'm afraid she'd find out there's something wrong between me and Rem.
Napatingin uli ako kay Direk BS nang i-announce niya ang pagkansela ng filming ngayon. Tiningnan ko ang buong team. A lot of them were disappointed. Syempre, sayang ang pagpunta nila dito.
"May mga cameras naman dito sa buong bahay. Ako na ang bahala doon," ani Direk BS. "Sige na, ligpitin niyo na ang mga 'yan. At pasensya na."
"Sorry po," nakayukong paumanhin ko sa kanila.
"Don't be, Kangji."
Pag-angat ko ng ulo, nasa harapan ko na si Direk BS. "Alam kong pagod ka. Magpahinga ka na. Kami na ang bahala dito." Nung ngumiti siya, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko kasi magagalit siya. Medyo moody pa naman itong si Direk.
Tumango ako at nag-excuse kay Sunny at sa buong team na aakyat na para magpahinga.
Nagising ako na ala-otso na ng gabi. Bigla akong napaupo sa kama dahil naalala ko si Rem. Nakauwi na kaya siya?
Other than him, nagugutom ako. Kaya naman lumabas na ako ng kwarto. Nang madaanan ko ang kwarto ni Rem, lumapit ako sa may pinto at dinikit ang kanang tenga ko sa pinto. Wala akong naririnig na kahit na anong kaluskos. Kaya marahan kong pinihit ang doorknob.
Sumilip ako sa may pinto. Tiningnan ko ang buong kwarto. No signs of Rem. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at sinulyapan ang bawat sulok ng kwarto ni Rem ngunit wala siya. Anong oras na, di pa siya nauwi? Ah, baka kasama yung shota niya. Tsk.
Nakasimangot akong bumaba ng hagdan hanggang sa marating ko ang kusina. Nag-init ako ng pizza at lasagna sa oven. Habang naghihintay, panay ang silip ko sa phone ko. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si Rem o hindi. Naisip ko rin na si Lindo ang tawagan. Tatanungin ko siya kung kasama ba niya ang leader nila.
Argh. Inis ako sakanya, hindi ba? Bakit nag-aalala pa rin ako? Hindi ako sanay. Usually kasi kapag gagabihin siya ng uwi magtetext o tatawag siya para i-inform ako kahit na hindi ko naman tinatanong. At ngayon, walang tawag at text kaya hindi ko alam kung nasaang lupalop siya ng mundo.
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Historia Corta"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."