Yan si Lana, ganda di ba? 40 years old na yan ha pero wag ka mukhang nasa twenties pa yang si loka. Bukod sa ganda.. Mayaman si atche, matalino at higit sa lahat walang lovelife. Bwahahah.. Yun lang ang nilamang ko sa kanya! Okay serious na.
Isa pa lang ang naging karelasyon nyan sa loob ng ilang taong pamamalagi nya dito sa earth at sa di malamang kadahilanan ay hindi na muling naki pagrelasyon. Well actually alam ko pero wit ko sasabihin sa inyo noh! Kwento nya to kaya sya dapat ang magsay ng pang maalala mo kaya nya! Marami naman syang nakakadate as in marami! Hobby nya ata ang magpalibre ng dinner at kumolekta ng bulaklak araw araw! Pero lagi nalang nauuwi sa wala. Karamihan kasi ng lalaki na bet ang sisteret ko ay bulag, pipi at bingi ang peg. Puro paramdam lang! Nako, wala silang mahihita sa ginagawa nila dahil yan ang pinaka ayaw ng lola nyo! Meron naman yung tipong akala mo eh ito na yon biglang na lang nyang tatablahin. Magugulat ka na lang deadma na sya. May iba na syang trip.
Ang sabi nga nya, gusto lang nya ay ang companionship mula sa mga ito. If I know, gusto lang nya ng kalandian! Ako pa ba lokohin nya? Okay lang sana ako sa ganong set up pero naman prend! Sa edad nyang yan companionship pa rin ang hanap!? Minsan talaga masarap iuntog sa pader at ulo nito para matauhan.
Yan.. Yan naman si Justin Gonzalez. Gwapo di ba? After makagraduate ng summa cum laude sa UP ay wala syang ibang pinagkakaabalan kundi ang pag aralan ang katawan ng mga tao. Oh wag mag isip ng masama! Professor naman kasi yan sa isang unibersidad at ang hinahandle nya ay human anatomy kaya panay katawan ng tao ang kaharap. Tahimik, misteryoso, matalino well correction super talino, gwapo at higit sa lahat masarap! Masarap magmahal mga bes!
Laging laman yan ng library o di kaya eh museum. Grabe di ba? Wala sa bokabolaryo nito ang pag party! Boring? Well not until makilala nya ang kagandahan ng kaibigan ko.
At syempre yan ako. Oh wag masyadong maglaway dahil alam kong maganda talaga ako. Dapat lang dahil ako ang bida sa kwentong ito! Char!
Ako ang pinakamaganda at pinakamagaling na assistant nyang lukalukang Lana na yan na wala yatang balak mag asawa at puro kiri lang ang gusto! Ako ang pinaka loyal at pinaka mabait na kaibigan ng walang kasing bonggang babaeng nasa unahan dahil syempre the birds of the same feather flock together! Shocks english yun ah! Anyways tawagin nyo na lang akong Pia. Miss Universe 2015 ang peg. Walang pakialamanan bes! Ako ang pinag introduce ng mga karakter sa kwentong hindi ko alam kung kapupulutan nyo ng aral pero sure ako kalandian at kalokahan meron!
At dyan natatapos ang introduction ko at yang dalawang yan ang nagpagulong sa nananahimik na utak ko at nagpainit sa nanlalamig kong heart! Trip nyong malaman kung bakit? Aba eh di abangan natin ang kwento ng friendship ko!
O sige na! Rarampa pa kami ni Lana.
A/N: Sorry guys, si Derek at Regine talaga ang nasa puso ko. HIndi ko alam kung bakit pero kasi trip ko sila talagang dalawa. :)
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomansaHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...