ILANG ARAW na ang lumipas ng manggaling ako sa Batangas at mai up ang bagong chapter ng webtoon. Alam kong iba ang takbo na yon sa mga nakaraang isinulat ko kaya inaasahan ko na ang iba't ibang reaksyon ng mga sumusubaybay rito.
Nakatuon ako sa computer ng bumulaga sa kwarto ang pinakamamahal kong kaibigan. Tanghaling tapat pero lumalaban ang pulang leather jacket nito at boots.
"Lana! Namiss kita!" Salubong nito sa akin.
"Wag mo kong echosin Pia. Kamusta ang raket mo?"
"Ay nako nako teh! Kabog! Ako pa ba? Maning mani ang kanta ni Regine Velasquez sa akin no?!"
"Sige, ilaban natin yan. Wag nating pakawalan at baka manalo tayo sa pantasya mo na yan.." Bumalik ang atensyon ko sa computer at nagsimulang magtype muli. Ang weird nga dahil ang bilis kumilos ng mga neurons ko at tila nag eenjoy sila sa istorya ni Ashley.
"Eto naman walang man lang pakunsuelo! Support support din dapat pag may time teh!" Inikutan ko lang ito ng mata dahil andito na naman ang pantasya nyang maging isang Diva.
"Ay nga pala. Tuwang tuwa ang instik na masungit na akala mo eh sya ang presidente ng Pilipinas kung mag utos sa bagong chapter ng webtoon. Magmeeting daw kayo.." Hinubad nito ang suot na jacket at umupo sa upuan sa harap ng mesa ko.
"Ano na naman ang gusto nya?" Tamad kong tanong.
"Gusto nyang pumirma ka ulit ng kontrata sa kanya. Dalawang libro pa daw ulit at dodoblehin nya ang presyo mo." Napabuntong hininga ako sa nadinig.
"Sabihin mo, busy ako."
"Ay! Ang ganda mo teh oh! Iba ang pagkamaganda mo" asar nito sa akin ng mahalatang hindi ako interesado sa nadinig. Hindi naman kasi talaga.
"Maganda talaga ako kaya yun ang sabihin mo!"
"Tsaka nga pala may tumawag kahapon, sa isang tv network daw sya at gusto ka raw nya mainterview. Marami nga raw kasing naiintriga kung sino ba yang Ms. Happy na yan.."
"Talaga? Ganun na ba kasikat si Ms. Happy at maiinterview na sya sa TV ngayon?"
"Bruha! Try mo magbasa sa page ng webtoon mo, sa twitter, sa facebook o kung meron kang friendster. Trending yung gawa mo teh. TRENDING. Ang daming kinilig bigla ng lumabas yung bago mong karakter!" Okay na sana ang pagkukwento nito eh kaya lang ayan na naman sya sa pagdedeclame nya. Involve na involve na naman ang emosyon nya sa pagsasalita.
"Hindi ko alam." Simpleng sagot ko.
Umikot ito papunta sa likuran ko at kinapa kapa ang ulo ko tsaka ako binigyan ng maliit na batok.
"Aray naman! Bat ba nambabatok ka? Naku Pia ha!"
"Ang ganda ng binalita ko sayo teh! Try mo maexcite ganon! Umaandar na naman yang poker heart mo!"
"Anong poker heart?!"
"Poker heart. Parang poker face! Ang slow mo din eh no? Kala ko matalino ka."
"Sikat ka na teh! TV interview, tapos malay mo may magkagustong gawing TV series yan o kaya movie yung parang The Notebook, Bridges of Madison County, o Harry Potter! Ang bongga! Sana kuhanin nila akong isa sa artistang gaganap. Tapos.."
"Tapos umupo ka na sa pwesto mo at tapusin mo yung frames ng mga ito!"
"Ang kapal naman nito? Lahat to okay na?" Pagtataka nito ng iabot ko ang mga papel sa kanya.
"2 chapters yan."
"Talaga? Ang bilis mo naman yatang magsulat? Natutulog ka pa ba?"
"Hayaan mo na. Pasalamat nga tayo at gumagana ang utak ko lately."
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomantizmHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...