Eighteen

503 22 16
                                        

Ilang oras na lang ay kakaway na ang haring araw pero narito pa rin ako sa harap ng bahay at patuloy ang pakikipagsapalaran para mashoot ang susi sa padlock ng gate.

"Lasing ka na talaga! Pati pagbukas ng padlock di mo na magawa ng maayos.." Panunukso ni Liam sa akin habang pilit kong binubuksan ang pintuan.

"Kung tinutulungan mo akong mabuksan tong lock eh di sana mas may pakinabangan ka kesa tumayo ka lang jan at magpakagat sa mga lamok." bwelta ko tsaka tumayo.

"Oh! Ikaw ang magbukas nyan! Nangangawit na ko!" Inabot ko ang key holder ko sa kanya tsaka inayos ang damit ko na nagkalukot lukot na kakabaluktot ko sa susi-an.

Magkahalong hilo at antok ang naglalaban sa katawan ko ng sa wakas ay nakapasok na ako sa bahay. Hindi ko na alam kung saan ko hinagis ang mga dala kong gamit basta ang gusto ko lang ay makarating sa kama at makapagpahinga.

"Sara mo na lang yung pinto pag aalis ka na.." Mabilis kong sabi ng makaupo sa sofa sa sala at sinimulang alisin ang pagkataas taas na sapatos sa paa ko.

"Kahit tubig na malamig wala man lang bang pakunsuelo? Nauhaw ako ah.." Sabi nito habang sya namang pinupulot ang mga gamit ko.

"Sa dami ng alak na nainom mo uhaw ka pa rin? Tulungan mo nga akong tanggalin tong pagkakazipper ng blouse ko. Di ko maabot eh." Tumayo ako patalikod sa kanya at agad namang tumalima ang mabait kong kaibigan.

May suot naman akong tank top kaya ayos lang nahubarin ko ang blouse. Wala rin naman kasing malisya sa amin ni Liam ang mga ganito. Nakita na nga nya akong naka bra at panty lang eh mahihiya pa ba ako sa ganito.

"Yung polo ko ba di mo huhubarin?" Asar nito sa akin.

"May kamay ka naman at abot mo naman ang butones ng damit mo kaya bakit ako pa ang gagawa? Jan ka lang at kukuha ako ng tubig mo senior." Hinagis ko ang blouse sa mukha nito ay tsaka tinahak ang direksyon patungo sa kusina. Nahihilo man ako ay kaya  pa rin naman ng katawan ko ang maglakad kahit papaano.

"Oh! Tubig mo." abot ko ng isang baso ng malamig na tubig tsaka muling umupo sa sofa.

Halos walang natira sa laman ng baso ng ibaba nya iyon sa center table.

Naramdaman kong tumabi ito sa akin sa pagkakaupo habang nakalapat ang ulo ko sa dulo ng sandalan ng sofa kaya komportable akong nakatingala sa kisame.

"Smile.." Malumanay na sabi nito habang ginaya ang pagkakaupo ko.

"I hate him! He is messing my mind"

"You yourself is a big mess my Faye.." Tsaka binigyan ako ng nakakalokong ngisi.

"Asan ba si Pia ng may makausap akong matino?! God! Bakit ba ikaw ang kausap ko ngayon?" Umayos ako ng upo at inis na tinampal ang braso nito.

"Nasa probinsya si Pia di ba at pasalamat ka na nandito ako at kinukunsinti kita sa mga kalokohan mo. Pero seryoso, I care about you Faye."

"Alam ko naman.. Sige na alis na at baka magkaiyakan pa tayo rito." With that I gave him a hug and accompanied him towards the gate.

Nang makita kong nakaalis na si Liam tila bumigat muli ang pakiramdam ko. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang harap ng bahay bago muling pumasok sa loob.

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon