Nagising ako sa ingay ni Beyonce! Grabe yan! Nasa Grammy's ba ako at todo bigay ang music?!
Cause if you liked it then you should have put a ring on it
If you liked it then you should've put a ring on it
Don't be mad once you see that he want it
If you liked it then you should've put a ring on it
Pakiramdam ko kaunti na lang at mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit tapos bubungad pa sa akin ay ang kaingayan ni Pia! Okay na nga sana eh.. Matatanggap ko na sana kaya lang pati ba naman costume di pinalagpas?!
"Good morning Rapunzel!" bati nito ng mapansing papunta ako sa kitchen para kumuha ng maiinit na kape.
"Rapunzel ka jan! Magbihis ka nga! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa suot mo eh.. tsaka ang aga aga nakaipit na yang ano mo! Hindi ka ba nasasaktan jan?!"" pinatay nito ang stereo at agad na kinuha ang totoong damit nya.
"Hay.. Umayos ka Lana ha! Ikaw ang saktan ko jan! If I know nainsecure ka na naman sa katawan ko.. Well, ganyan talaga.." nailing na lang ako sa tinuran nito. Saglit na tumalikod ito sa akin tsaka biglang may inabot.
"Oh! Ayan! Pinabibigay ng prince charming mo!" Java Choco Chip Frappe at isang bouquet ng bulaklak.
"Hay nako.. mangungulekta ka na naman ng bulaklak tapos wala namang kahihinatnan! Sayang lang ang effort!" pasaring nito sa akin habang inaamoy amoy ang mga bulaklak.
"Puyat ka ba? Bakit ang dami mong hugot eh ke aga aga?" Kinuha ko yung bulaklak tsaka nilanghap ang amoy nito.
"Puyat ako dahil sayo! Tapos ang agang pumunta ni Justin dito para ibigay ang mga yan. Sabi ko na nga kasi sa kanya wag na syang umuwi at hintayin kang magising.."
"Si Justin? Wag umuwi? Bakit? Nandito ba sya kagabi? " tiningnan ko sya ng puno ng pagduruda.
"Ay loka! Malamang! Si Justin! Sino pa ba ang akala mo? Magkasama kayo kagabi di ba?!" Umupo ito sa tabi ko.
"Buti na lang nandoon sya sa bar dahil panigurado kung wala sya eh nakaheadline ka na! Babae narape sa dahil kalasingan!" may pamustra mustra pa ito na parang nagdedeclaim.
"OA!" sabay tapik sa noo nito ng magising sa pagkaover acting.
"Sya naghatid sayo dito dahil lasing na lasing ka kagabi! Gaga! Halos masira na ang cellphone ko sa tawag nya para lang itanong kung nasaan ang susi ng bahay mo! Wala daw kasi syang makuhang matinong sagot sayo! Sabi ko nga, itapon ka na lang sa tulay para wala na syang problemahin at magkaroon na kami ng happy ever after!" kinuha nito ang kapeng tinimpla ko sabay ininom. Sisitahin ko pa sana sya ng bigla magring ang cellphone ko.
Calling..
Justin.
Bigla kong naalala yung nangyari kagabi sa bar. Yun ang pinakadaring ba ginawa ko sa isang lalaki! Halos mahawakan ko ng lahat pati yung ano nya! Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin para hayaan kong gawin yun! Nakakahiya tuloy! Baka akalain nya manyak at mapagsamantala ako!
"Ay teh! Sinasagot ang tawag hindi tinitingnan.. " natauhan ako sa pag mumuni muni sa lakas ng boses ng katabi ko.
Teka.. Sa pagkakaalam ko wala akong number nya! Panong nasave dito sa phone ko?!
"Ayaw mong sagutin? Oh sya ako na lang!" akmang kukuhanin nito ang cellphone ng tapikin ko ang kamay nya.
"Bruha! Phone ko yan.. Tsaka teka lang ha, may kasalan ka pa sa akin ah. Iniwan mo akong mag isa kagabi!" sabay kuha ko sa cellphone at tinanggap ang tawag.
"Hello?"
"Lana.. Okay ka na?" seryoso ngunit malumanay na tanong nito. Yung boses nya, masarap pakinggan. Lalaking lalaki! Malalim.
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomanceHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...
