Sixteen

445 17 2
                                        

Seryoso akong nagtytype ng susunod ng eksena sa libro ng makarinig ako ng kakaingay sa labas.

Nagulat na lang ako ng biglang may bumagsag sa lapag ng kwarto na isang malaking bulto. Kulang na lang ay sumigaw ako sa takot ng makita ko ang pigura ng isang lalaki pero mabils na natakpan nya ang bibig ko para hindi ako makalikha ng ingay.

"Hey.. hey.. Ako to. Don't shout." His voice. His scent. Ng huminahon ako ay tsaka nya lang unti unting tinggal ang kamay sa bibig ko at nilingon ako paharap sa kanya.

"Badtrip ka! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?! Bakit ka ba parang akyat bahay na biglang susulpot?!"

"Kanina pa kasi ako tumatawag sayo hindi ka man lang sumasagot. Kahit text wala ka man lang reply. Napaparanoid na ako na baka iniiwasan mo na ako."

"Adik ka ba?! Lakas ng trip mo ah?! Bakit hindi ka na lang kumatok at hindi yang nag aala ninja ka jan?"

"Lana, kanina pa ako nagdodoor bell pero hindi mo pa rin ako pinag bubuksan. Naghahagis na nga ako ng maliliit na bato sa bintana mo hindi ka pa rin sumisilip."

"Kalbo ka! Sira ang doorbell, nakaearphone ako at nakinig ng music sa laptop. Yung phone ko low batt. Tsaka anong iniiwasan? Dami mo talaga alam eh."

"Hindi mo naman ako masisisi dahil alam ko naman na hindi ka pumapasok sa relasyon at kapag nagseryoso ang lalaki sayo eh iniiwasan mo. Ayoko non."

"I just said yes to you di ba? Sabi mo nga wala ng bawian so anong kinakadrama mo? Kung ayoko sana binawi ko na agad but I didn't because I am taking chances. Nakakainis ka ha.."

"Sorry. Natakot lang talaga ako. Plus, I really want to see you."

"Hoy, tigilan mo ako. Umiiral na naman yang kalandian mo!"

"Didn't you miss me?"

"I don't."

"Ang sungit mo. Wag mong sabihing naglilihi ka na? Ang bilis naman?" namula ako sa sinabi nya. Sa ilang beses naming ginawa yon hindi kami gumamit ng proteksyon.

"Abnormal ka! Lumayas ka na nga rito dahil busy ako. Wag mo akong pestehin ha!"

Tinanggal nito ang suot na jacket kasunod ang sapatos at medyas at ng akmang huhubarin na rin nya ang pang itaas nyang damit ay pinigilan ko sya.

"Justin! Sabi ko umalis ka na. Bakit ka naghuhubad?!"

"I'll sleep here. Napagod ako kanina eh." Tsaka nya tuluyang hinubad ang tshirt at pantalon at tumalon sa kama. Nakadapa ito kaya naman kita ko ang tattoo sa likuran nya partikular sa kaliwang bahagi ng kanyang balakang.

"I didn't know you have a tattoo."

"I just had it weeks ago. Nakita ko kasi na meron kang tattoo sa saktong parte ng katawan na yan kaya ginaya ko. Gusto ko terno tayo. The only difference is yours is butterfly, mine is eagle."

"Walang originality." bulong ko pero sapat na para marinig nya iyon na ikinatawa nya. "Urong nga roon, sinakop mo na ang buong kama ko."

"So okay lang na dito ako matulog ngayon?"

"Syempre hindi. Magpahinga ka ng saglit tapos pwede ka ng umuwi. Baka sabihin mo naman hindi kita inaalaa eh."

"Sayang naman.."

Bumalik ako ng pagtytype habang prenteng nakahiga sa tabi ko si Justin.

"Okay ka lang?" tanong ko ng maramdaman kong hindi sya mapakali.

"Ughh! Hindi ako makakatulog ng ganito!"

"Oh bakit? Ano na naman ang problema mo?!"

"Bakit ba ganyan ang suot mo? Wala ka na bang ibang damit? Da*mn!" Saglit kong tiningnan ang suot ko at natawa ako ng marealize kung ano ang ikinakainis nya.

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon