Twenty One

420 25 10
                                    

Buong biyahe ay tahimik lang si Lana sa sasakyan. Walang imik o kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito.

"We're here." Nilingon ko ang lalaking nagsalita tsaka pinagmasdan ang paligid mula sa bintana ng kotse.

"Pwede bang makitulog muna ako sa condo mo?" Mahina kong pakiusap kay Liam matapos kong makita ang bahay. Hindi ko kayang mag isa sa panahong ito. Ayokong maramdamang mag isa ako. Ayokong maramdamang nag iisa ako.

Tumango lang ito tsaka binigyan ako ng maliit na ngiti bago paandarin ang sasakyan.

Kasabay ng pag andar ng kotse ay ang pag lipad ng isip ko. Ang daming bagay ang pumapasok sa utak ko at kung ano anong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na nasa parking na kami ng lugar.

"Tara?" Tanong nito bago bumaba ng kotse. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating na kami sa loob ng condo nito,

"Pasensya na, medyo magulo. Aayusin ko lang yung guest room para makapag pahinga ka na."

"Salamat."

"May pagkain sa ref. Kabisado mo naman na ang condo. Saglit lang at babalik din ako agad."

Pumuwesto ako coffee table set na nasa gilid kung saan tanaw ko ang mga ilaw ng paligid. Dala ang isang beer in can, wala sa sarili akong naupo at simimsim tapos ay binato ng tingin ang lugar. Parang sasabog ang utak at puso ko sa mga oras na iyon. Naninikip ang dibdib ko sa sakit pero hindi magawang dumaloy ng luha sa aking mga mata. Tila pati ang mga ito ay napagod na sa ilang oras na pag iyak.

"Faye?" Napukaw ang atensyon ko ng marinig si Liam at umupo sa kaharap ng upuan. Isang maliit na ngiti lang ang binigay ko tapos ay nilayo ang tingin sa kanya.

"I-ikaw pa..pala.." Nauutal kong sabi. Namamaos ang boses ko at halos pumiyok ako sa simpleng salita.

"You knew already, do you?" Tanong nito.

Tumango lang ako.

"I'm sorry. Gusto ko mang sabihin sayo pero alam kong hindi sa akin dapat manggaling ang bagay na iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang mga nangyayari na sa kanya kaya umasa rin akong baka ayos na.."

"Ang sakit! Akala ko sya na talaga. Akala ko sa pagkakataong ito nakatagpo na ko ng lalaking magmamahal sa akin panghambuhay." Mas naramdaman ko ang sakit sa damdamin at unti unting namumuo ang luha ko sa mga mata. Para akong baliw na natawa matapos kong sabihin ang mga iyon ngunit halos nilalamukos ang puso ko habang inaalala ang lahat.

"Bakit ba tuwing ikakasal ako laging akong nasasaktan?! Wala naman akong ginawang masama ah? Una si Greg. We were so good. Ang dami na naming plano, ang dami na naming pinangarap na magkasama pero nawala. He died! Parang namatay na rin lahat ng pag asa at pagmamahal sa puso ko. Akala ko yun na ang huling beses na masasaktan ako dahil sa pesteng pagmamahal na yan then he came. My God! Umasa ulit ako. Naniwala ako sa lahat ng sinasabi nya. I even dreamt of a lifetime with him. Ganun ako nahulog. Ganun  nya ako napaniwala. But he was so good. He fooled me good. Liam, mas masakit pa pala na malaman mong niloloko ka lang pala. My pride and my ego are totally burned. I instantly became a mistress! Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Gusto kong maglaho na lang bigla." Napupuno ng galit ang puso ko at nagsimula ng umagos ang mga luha ko sa pisngi hanggang sa maramdaman ko ang paghirap ng paghinga dahil sa paghikbi.

"You are not a mistress! Lana, hindi mo alam ng may asawa sya. Don't be too harsh on yourself!"

"Then, ano ako? Libangan? Parausan? Laruan na iiwanan kapag dumating na ang totoong may ari? Sa harap ng totoong asawa nya mismo ako nagpakilala bilang girlfriend ni Justin. Ano pa ba ang pinakanakakahiya sa eksenang yon? Proud pa ako na sabihin yon." Uminom ako ang beer tsaka padabog na binaba iyon sa mesa. Pinalas ko ang aking mulha na basang basa na ng luha gamit ang kamay.

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon