Ten

587 18 2
                                        

Ano ba yan! Wala pa namang 6 pm ah? Bakit ang aga naman nya akong sunduin?

Nangangarag tuloy ako. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa labas ng bahay matapos kong icheck ang sarili ko sa salamin.

Simple black dress lang at konting aura ayos na. Baka akalain nitong umeffort ako noh. Sabi nya sa akin wear something formal kasi yun yung required sa event. Kaloka! Ang OA naman ng event na yan!

Mismong paglabas ko ng gate ay nakita ko na agad ang kagwapong nilalang suot ang pagkaganda gandang ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mismong paglabas ko ng gate ay nakita ko na agad ang kagwapong nilalang suot ang pagkaganda gandang ngiti.

"You look stunning." salubong nito sa akin pagkatapos ay binigyan ako ng maliit na halik sa labi. Oh wag kayong ano pa jan! Hindi ko naman sya binawalang halikan ako dahil type ko din naman. Tsaka ano ba naman yung halik lang. Mashock kayo kung isinuko ko na ang pinakaiingatan ko!

"Ano ba kasing event yon at kailangan pa nating mag ayos ng ganito?" tanong ko dito pagkaupo ko sa sasakyan nya.

"It's a once in a life time event.." ngumisi ito sa akin ng pilyo tsaka nya pinatakbo ang sasakyan. Naks! Ano to Blue Moon? Super Moon?

Solaire. The Theater.

Madami na ang nasa loob ng The Theater kaya naghanap agad ako ng bakante

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madami na ang nasa loob ng The Theater kaya naghanap agad ako ng bakante.

Hinawakan ko na ang kamay nya para akayin sya sa napili ko pwesto ng pigilan nya ako. Instead ako ang inakay nya sa unahan.

"May nakalagay na reserved seat dito Justin. Baka pagalitan tayo.." saway ko dito. Ayokong mapahiya sa harap ng madaming tao pag pinaalis kami mamaya. Mukhang mga sosyal pa naman sila lahat dito.

"Trust me." sabay upo. Nako talaga! Kapag pinaalis kami mamaya dito makokotongan ko talaga to.

Ang ganda ng lugar. Mukhang sosyal nga ang event. Buti na lang at sinunod ko ang kumag nato kung hindi baka nagmukha akong basahan dito. Nagdim na ang ilaw tanda ng pagsisimula kaya naman hinanda ko na din ang sarili ko. Mahilig ako sa concerts. Nakapanood na ko ng concert ni Arianna Grande, Taylor Swift, Mariah Carey at ni Regine Velasquez. Si Adele na nga lang ang wish kong mapanood eh. Siguro bonggang concert to ng international singer. Once in a life time daw eh..

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon