Thirteen

526 15 2
                                        

Isang linggo ng hindi nagpaparamdam si Pia sa akin. Kahit tawag ko ay hindi nito sinasagot. Ni hindi nga yata pumupunta sa The Mansion ang bruha at talagang umiiwas ito kaya ako na ang gaswa ng paraan. Kasalanan ko rin naman din kasi at concern sya sa akin. Kahit ako rin naman ang nasa katayuan nya, magagalit rin ako.

Dala ang isang box ng pizza at wine, yes po wine at hindi alak dahil sabi nga ni Justin, mas makakabuti sa akin kung wine ang lalaklakin ko at hindi mga beer, kaya ito ang bitbit ko ngayon sa apartment na inuupahan ni Pia.

Matapos ang ilang katok ay sa wakas ay nagbukas na rin ang mahiwagang pinto na nagluwa ng kakaibang kagandahan na pwede kong makita.

"Hi?" Alanganing bati ko rito.

"Wala ako rito." Akmang isasara nito muli ang pinto ng mabilis ko itong pigilan.

"Eto naman. Sorry na. Bati na tayo.." Maamong pakiusap ko rito tsaka itinaas ang dala kong pagkain.

Saglit ako nitong tiningnan tsaka as binuksan ang pinto.

"Pasok." Napangiti ako ng malapad. Hindi rin talaga ako matitiis nito.

Mabilis kong tinungo ang kusina nya tsaka inayos ang pagkain dala ko. Sakto at gutom na ako dahil hindi pa ako nag tatanghalian.

"Feel at home agad? Agad agad teh? Hindi pa tayo okay ah." Sabi nito habang nakapamewang sa harap ko.

"Grabe ka naman. Sorry na nga. Ano pa ba ang dapat kong gawin para hindi mo na ako sungitan?"

"Tumino ka! Yan ang gawin mo para maging okay tayo!"

"Matino naman ako ah."

"May matino bang babaeng makikipags*ex sa lalaking hindi nya asawa o boyfriend man lang?! Sige nga matino ba yon?"

"Mali nga ako sa parte na yon kaya nga nagsosorry eh."

"Ganon na lang yon? Sorry na lang? Pano kung maulit ulit yan? Sorry ulit hanggang sa mabuntis ka? Alam kong binibiro kita sa mga ganyang bagay pero hindi ko akalaing seseryosohin mo."

"Hindi na nga mauulit. Naguguilty na nga ako sa sarili ko lalo na kay Justin."

"At ikaw pa ang naguilty?! Bakit? Ikaw ba ang nagbinyag sa kanya o baka naman hindi sya nasiyahan sayo kaya naguguilty ka?!"

"Hoy! Anong hindi?! Kulang na nga lang eh malumpo ako sa ginawa nya sa akin tapos hindi pa sya non nag enjoy?! Humihirit pa nga ng isang round, hindi pa sya nag enjoy?!"

"O eh bakit ka naguguilty aber?"

"Natawag ko kasi si Greg habang nag kekeme kami!" Napasabunot na naman ako sa sariling buhok ng maalala ang ginawa ko.

"Ano?! G*ga ka talaga!" Umupo ito sa kaharap na silya ko.

"Ano sabi nya?"

"Wala. Hindi naman yata nya nadinig pero nakakaguilty pa rin. Habang sya ang kasama ko, si Greg ang nakikita ko."

"Mahihimatay ako sayo Lana! Sukdulan ka talaga! Kaya ka bumigay?!"

Alanganing tumango ako tsaka napahilamos ng mukha.

"Hindi naman yon lang.  Sya talaga ang nasa isip ko pero hindi ko maintindihan kung bakit naalala ko si Greg. Nakita ko sa kanya si Greg."

"Kung hindi mo ba naalala si Greg, hindi ka bibigay?"

Napabuntong hining ako tsaka kumagat ng pizza.

"Hindi ko alam" wala sa sarilig tanong ko.

"Yung totoo Lana."

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon