MALALIM NA ANG GABI pero buhay pa rin ang diwa ko. Ilang biling na ang ginawa ko sa kama pero hindi yata ako naalalang dalawin ni antok. Sinuot ko ang aking roba at pinalas ang aking mukha. Mabilis akong tumungo sa ref at kumuha ng isang can ng beer. Baka sakaling makatulong sa pag kuha ko ng tulog. Imbis na bumalik sa kwarto ay sa terrace ako namalagi.
Tanaw ang madilim na paligid na tanging liwanag lang ng buwan at mga bituin ang nagbibigay buhay kasabay ng kalmadong tunog ng alon at malamig na dampi ng hangin, marahan kong ipinikit ang aking mga mata.
Saglit na sumandal ako sa couch at pinagmasdan ang kalangitan. Hindi ko namalayan kung ilang oras ako nakatulala lang at paunti unting humihigop sa lata ng beer.
"Malalim ang iniisip mo.." Umuga ang inuupuan ko at lumundo ang gilid ng pwesto ko.
"Hindi ka makatulog?" Lingon nito sa akin sabay kuha ng lata ng beer sa kamay ko.
"Medyo. Bakit gising ka pa?" Balik na tanong ko rito.
"Namamahay lang siguro." Sa pagkakataong ito, sya naman ang uminom sa lata ng beer na kinuha nya sa akin.
"Ang sabi nila, ang mga bituin daw.. Sila yung mga mahal natin sa buhay na namayapa na. Patuloy na nagbabantay at nagbibigay liwanag.." Wala sa sariling untag ko habang nakatitig sa langit kasabay ng pagbuga ng malalim na hinga.
"Namimiss mo sya?" Alam kong nakatuon ang tingin nito sa akin.
"Lagi. Araw-araw." Tumango ito at sumandal sa upuan.
Ilang minuto kaming nasa ganung posisyon at walang nagsasalita. Tila tinatangay ng hangin ang kung anong nasa isip namin sa mga oras na iyon.
"Have you ever love someone that much?" Basag ko sa katahimikan. Ramdam kong nagulat sya sa tanong ko.
"Yung tipong sya na ang buhay mo. Na hindi mo na kayang magpatuloy kapag wala sya?" Sa pagkakataong ito ako naman ang nakatuon ang tingin sa kanya.
"I did." Simpleng sagot nito.
"And?" Patuloy ko.
"And I realized, life is wonderful to just hold on to memories." Hindi pa rin ito kumikilos at nakatingala pa rin sa kalangitan.
"That's it? Ganun lang yon?"
"It took me a year to stand up again and put myself on track. Hindi naman madali ang masaktan pero kailangan. Hindi naman porket gumuho na ang mundo mo ay hindi ka na aahon at magsisimula muli.."
"Ang dali para sayo dahil hindi kasing tindi ng pinagdaanan ko ang pinagdaanan mo."
"Hindi ko alam." Humarap ito sa akin at inubos ang laman ng lata.
"Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Ang alam mong hanggang huli ikaw ang mahal ng mahal mo bago sya nawala o ang malaman mong iba ang mahal ng mahal mo at iniwan kang parang wala.." Kita ko ang lungkot sa mga mata nya na bumalot sa buong sistema ko. Natahimik ako. Ano nga ba ang mas masakit doon?
"Parehong masakit kung tutuosin pero may magagawa pa ba tayo? May time machine ba para balikan yung mga panahong masaya tayo sa piling nila? Wala naman. Ang meron lang tayo, yung ngayon." Dugtong nito tsaka muling sumandal at tumingin sa malawak na kalangitan.
"Nakalimutan mo na sya?" Tanong ko
"Hindi. Hindi ko naman sya dapat kalimutan. Kailangan ko lang tanggapin na hanggang doon na lang.."
"Hindi ko yata kaya yung ganon.."
"Masaya ka ba ngayon sa mga ginawa at nangyayari sayo?"
"He'll be very mad kapag nalaman nya lahat ng ginawa ko."
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomanceHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...