Forteen

474 24 3
                                    

"Movie?" alok nito sa akin ng makalabas kami sa resto.

"Ayoko. Kakagaling lang namin ni Pia sa movie house at wala akong naintindihan. Alam mo ba kung bakit?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit?"

"Dahil sa mga sinabi ni Bea. Alam mo, nang gigil ako sayo talaga eh! Nakakainis ka!" bahagya kong sinutok ang tiyan nya na ikinatawa nya.

"Next time, hindi na ako magpapatay ng phone at magpapaalam na ako sayo." nagrambulan ang emosyon ko sa sinabi nya lalo na ng pagsakupin nya ang dalawang kamay namin habang naglalakad patungo sa sasakyan.

"Yung kamay ko.."

"Yeah? It's safe. I love holding your hands. And.." humarap ito sa akin tsaka binigyan ako ng maliit na halik sa labi.

"And kissing you.." Tila may kung anong pwersa na naghahatak sa akin para yakapin sya pero mas pinili kong pigilan na lang.

"Mahal ang bawat halik sa akin baka kala mo?" Biro ko para ikalma ang sarili.

"Name your price love. My bank accounts are ready." Kumindat ito tsaka nagsimula ulit kami maglakad.

Walking hand in hand. Random jokes here and there. These things surely will end my night happy.

"Lana? Iha?" tawag ng isang pamilyar na boses sa akin. Namilog ang mga mata ko ng makita ang nagmamay ari ng boses na iyon.

"What a pleasant surprise! Ang tagal na hindi tayo nagkita." Sabik na niyakap nya ako at ginawaran ng magkabilang halik sa pisngi. She still looks the same. Elegant yet simple.

"Tita Helen.." Wala sa sariling sabi ko. Ang huling kita namin ay ng mag unang anibersaryo ng pagkamatay ni Greg.

"You look so lovely iha. Beautiful as ever." Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko na tila kinakabisado ang mukha ko.

"And who is this dashing man with you ha?" may halong panunukso ang katagang sinabi nya na yon pero tila biglang nahiya ang puso ko na makita nya akong may ibang kasamang lalaki at hindi ang anak nya. Marahan kong kinalas ang pagkakahawak ng kamay ni Justin sa akin tsaka sya pinakilala.

"Si Justin po. Kaibigan ko."

"Justin si Tita Helen, mommy ni Greg."

"Nice to meet a beautiful lady like you Madame. I am just so lucky that I am with the two gorgeous ladies tonight." Natawa si Tita Helen sa sinabi ni Justin.

"I like you in an instant iho. You have a taste.." She talks as if she knew Justin long ago.

"Lana, I am happy that finally you have moved on. For years, ikaw ang inaalala namin ng Tito Luis mo lalo na ng magresigned ka sa Publishing House. I am glad that you have found someone that can replace Greg.." replace him? Si Greg pa rin ang mahal ko at laman ng puso ko.

"Tita, he is my friend."

"Still. I am happy that you are happy. Greg, would be smiling right now seeing you living your life." Magiging masaya nga ba sya sa ginagawa ko? Hindi ba parang niloloko ko sya?

"And you gentleman, please take care of our Lana. My son loved her so much. She deserves the utmost happiness in life." tinapik tapik nito ang balikat ni Justin tsaka binigyan ng malaking ngiti.

"Tita, it is my pleasure to take care of her. I will not disappoint your son."

"Salamat iho. Makakatulog na kami ng mahimbing ngayong alam na naming nasa mabuting kalagayan si Lana. And you my dear, it is our 45th wedding anniversary this Saturday. I hope you could come. You know you are already a family to us."

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon