Nine

395 10 0
                                        

TILA PATI PUSO ko ay kasali sa karera sa kaba at nerbyos habang pinapanood ang bawat baling at bawat gitgitan ng mga kotse sa track. Hindi ko na nakita kung saan sa mga iyon nakasakay si Justin dahil sa kasamaang palad ay nalate ako ng punta sa lugar pero ang pagkakatanda ko ay sa kulay pula na sasakyan ang gamit nya.

Sa dami at sa bilis ng pangyayari, hindi ko na nalaman kung sino ang nanalo o ano na ang nangyari basta nakita ko na lang na lumabas si Justin sa sasakyan at nagtilian ang ilang kababaihan pagtanggal nito ng helmet. Sa totoo lang naman kasi, gwapo naman talaga ang loko kaya hindi na ko nagtaka na marami ang gustong mapansin o makasama ang sya.

 Sa totoo lang naman kasi, gwapo naman talaga ang loko kaya hindi na ko nagtaka na marami ang gustong mapansin o makasama ang sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos ang ilang pictures ay agad na luminga si Justin at sakto naman na nagtagpo ang aming paningin. Agad ko namang kinawayan ito tsaka mabilis syang tumungo sa pwesto ko.

"Kala ko iindyanin mo ako eh.." Masayang bati nito sa akin. Yung energy nya ay parang yung bilis ng mga sasakyan kanina. Mukhang nag enjoy sya talaga.

"Muntik na nga. Dumating kasi si Pia sa bahay kanina kaya nalate ako ng punta. May talent ka pala ha?" Biro ko dito.

"Sabi ko naman sayo mahusay akong magmaneho eh." Sagot nito tsaka binigyan ako ng kindat.

"Marami pa yata akong dapat malaman sayo bukod sa professor ka at lecturer."

"You can just ask me anything sasagutin ko naman yon. My life is more than me being a professor."

"I am amazed."

"Coming from the Great Lana Dizon, I am honored." Nagtawanan kami sa tugon nito.

"Nanalo ka ba?"

"Hindi. Pero pang 2nd ako."

"So talo ka nga."

"Tsk! Sige na nga. Talo na ako."

"Justin!" Napalingon kami sa kinaroroonan ng malakas na sigaw at ng makita ito ni Justin ay agad na kumaway ito na sinundan naman ng kung anong senyas ng lalaking nasa track pa rin hanggang ngayon.

"Mukhang kailangan yata nila ako doon.. Tara?" Aya nito sa akin.

"Ikaw na lang. Baka katayin ka nila madamay pa ako!"

"Tara na. Ipakilala na din kita sa mga kaibigan ko. Malay mo may magkagusto sayo kahit isa."

"Kapal! Marami ang nagkakagusto sa akin!"

Agad na inabot ni Justin ang kamay ko para isama sa mga kaibagan nya sa track.

"Guys! I would like you to meet Lana. Lana these are the Harurot troops!"

"Hi! Ang taray ng pangalan ng samahan nyo ha. Pang international! Harurot troops! Malayo ang mararating nyo jan."

Nagsitawanan ang lahat sa biro ko.

"Yang si Justin ang nagpasimuno nun eh. Wala kaming kinalaman doon"

Agad naman binatukan ni Justin ang lalaking nagngangalang Jason na mukhang mabiro at komedyante ng grupo.

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon