He was her all..
She was living her dream until he was gone..
She did everything to feel numb from the pain..
She played her game..
Until she met him.
Will he be able to tame her?
Will she let herself fall in love again?
Or
Is this another love bou...
HINALUGHOG ko na ang buong closet ko pero wala pa rin akong makita kahit anong pwedeng isuot ni Justin. Bakit ba naman kasi naabutan pa kami ng malakas na ulan.
Pasalamat na lang din ako at ipinahiram nya sa akin ang jacket na suot nya dahil kung hindi ay baka makita na ng lahat ang mga bagay na hindi dapat makita! Sakto naman kasi na manipis na tela lang ang damit na suot ko kaya naman ng bumuhos ang ulan at nasalo namin lahat, salamat sa motor na bukas palad ipadama sa amin ang lamig at lakas ng ulan, ay tanaw na ang bra na gamit ko.
Kumuha muna ako ng tuwalya tsaka agad na tinungo ang sala kung saan ko siya iniwan ng maabutan ko itong borles na. Oopppss. May pantalon naman mga friends! Wag masyado mag imagine! Pero babae lang ako, marunong mag appreciate ng mga magagandang bagay na ginawa ng Diyos.
Nakatayo ito at nakaharap sa ilang mga larawan at paintings sa sala habang nasa may hagdan ako na tanaw ang mga di ko dapat tanawin. Gamit ang hinubad na damit ay paunti unti nitong pinupunasan ang basang katawan. Bawat pag galaw ng braso nya ay ang pagflex ng mga muscles na nagsusumigaw na tambayan nila ang gym! Parang tukso naman itong pagpunas nya dahil sinusundan ng ngayoy makasalanan kong mata ang pinaroroonan ng damit. Mula sa malapad nyang balikat patungo sa matipunong dibdib hanggang sa flat at toned na abs ay nasaksihan ko. Shocks! Pinilig ko ang ulo ko at mahinahong tinampal ang magkabilang pisngi para lubayan ko na ang pagtitig sa hindi ko dapat titigan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nya mula sa pagtingin sa mga larawan.
"O!" Sabay abot ng tuwalya at tshirt dito.
"Ito lang ang damit na kasya sayo. Doon yung guest room, may banyo roon. Maligo ka na at baka magkasakit ka pa." May katarayan kong sabi.
"Salamat." Mahinahong tugon nito habang inaabot ang tuwalya sa kamay ko.
"Kumpleto ang gamit doon. Kung hindi titila yang ulan, pwede kang magstay. Wala ka naman sigurong gagawing masama sa akin di ba? Tsaka kung meron man, wag mong subukan dahil baka ipalapa kita sa aso ko" may bahid ng pagbabanta sa boses ko na ikinangiti nya na tila may nasabi akong nakakatawa.
"Well noted. Sigurado ka na pwede akong magpalipas ng gabi rito? Hindi ba magagalit yung ibang kasama mo rito?" Pinalibot nito ang tingin na parang naniniguro.
"Sa tingin mo talaga may kasama ako rito?"
"Wala ba?"
"Wala! Kaya pumunta ka na roon at baka magbago pa ang isip ko at ipasagupa kita sa ulan sa labas!"
Matapos ko syang ihatid sa guest room at iayos ang ilang gamit ay agad din naman akong pumunta sa kwarto ko para maligo rin. Naglublob ako sa bathtub para marelax ang ngayoy nanglalagkit kong katawan dahil sa ulan, pawis at alikabok.
Pangalawa lang si Justin sa lalaking pinayagan kong makapasok sa bahay ko. Ni hindi nga ako nagpapahatid sa mga nakakadate ko para iwas bisita pero ngayon, talagang inoffer ko pa syang magpalipas ng gabi rito. Wala naman sigurong masama. At wala din naman kaming gagawing masama.