You may now kiss your bride.Kitang kita ang kislap ng mga mata ng pinaka masayang lalaki sa paningin ko ngayon. His smiles, napakatotoo. Mas lalong syang gumwapo dahil sa mga ngiti nyang iyon.
"Liam, kiss the bride na daw!" Dinig ko na nagpatawa sa mga dumalo sa simbahan. Nagkamot ito ng ulo na tila nahihiya at yon ang pinakacute na nakita ngayong araw. Para syang teenager na hindi alam kung ano ang gagawin.
Unti unti nitong tinaas ang belo at yumakap bago dampian ang labi ng ngayo'y asawa na nito.
"Buti pa sya no? Kailan kaya ako?" Sambit ni Pia sa gilid ko habang pinapanood namin ang kaibigan namin sa pinakamasayang araw sa buhay nito.
"Dasal lang teh. Dasal lang!" Birong sagot ko rito nasinuklian naman ng irap ng bakla. Ang totoo, masama man pero naiinggit rin ako. Sino ba naman ang hindi? Ayokong tumandang mag isa. Tapos na ko sa panahong kilig at harot lang ang lahat. Parang inumang mo ang sarili mo sa bangin na sa isang maling tibok ng puso mo ay bigla kang mahuhulog at siguradong walang sasalo sayo. Sure ako jan, galing na ko sa sitwasyon na yan eh.
"Friends of the groom daw! Tara na at makapagpapicture!" Hatak sa akin nito papunta sa bagong kasal.
"Faye!" Yumakap ito ng mahigpit sa akin. "Buti nagpunta ka." Masayang sabi ni Liam. Ilang beses na nya akong pinilit pero hindi ako makasagot ng matino dahil nag aalanganin pa ako. Alam din naman nya na hindi talaga ako umaattend.
"Oo naman. Hinding hindi ko palalagpasin ang kasal mong loko ka!" Biro ko.
"Sabi ko naman sayo, kaya mo ng umattend ng kasal eh. Sana talaga ginawa kitang groom's bestfriend sa entourage!"
"Imbento ka ng entourage! Wala namang ganun!"
"Huy! Ano to? Magchichikahan ba kayo o magpipicturan muna tayo? Nakakahiya sa asawa oh?" Saway nito sa amin ni Liam habang nakaukyabit kay Lea na natatawa sa aming tatlo.
Matapos ang ilang shot, muling nagsalita si Liam. "Salamat Faye."
"Ano ka ba?! Simpleng bagay."
"Punta ka ng reception? Pumunta ka ha. Hihintayin kita."
"Oo naman. Hindi pa kami kumakain ni Pia kaya don na lang kami makikikain tsaka baka sabunutan ako na yan kung mag aya akong umuwi. Mas excited sya sa party kesa sa seremonya." Natatawa kong sabi pero may halong kasungitan.
——
"Ladies and Gentlemen, to give a message to the newly wed, pls welcome Ms. Lana Dizon." Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng marinig ang pangalan ko. Siraulo talaga tong Liam na to! Hindi man lang nagpasabi! Sana man lang nakapaghanda ako ng magandang teledrama na speech.
"Hello. Good evening. Hi guys!" Kaway ko sa mag asawa. "Pasensya na po kayo, hindi ako nakapaghanda ng magandang speech. Nakakahiya naman sa speech ng Best Man." Biro na nagpatawa sa mga bisita. Totoo naman kasi, ang gara ng speech nung sinundan ko at may pa kanta pa.
"How shall I start? Well, I am the groom's bestfriend since high elementary so I know almost all his treasured victories and hidden secrets.." Biro ko habang bumaling ang tingin ko kay Liam na napakamot ng ulo.
"Liam, hindi ko na ikukwento kung gano ka kalampa noon. Hindi ko na din babanggitin na sobra kang vain. Syempre dapat positive lang, baka magbago ang isip ni Lea eh."
"I am just so happy na finally, you found your happiness. You found your true heroine that will forever save and protect you and your family. Biruin mong napapayag mo si Lea para pakasalan ka? Lea, welcome to our crazy group!"
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomansaHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...